• Home
  • Fresh Scoops
  • Bela Padilla sa relasyon nila ni JC Santos: ‘Naging mag-best friend kaming dalawa’

Bela Padilla sa relasyon nila ni JC Santos: ‘Naging mag-best friend kaming dalawa’

Gaano ka-close ngayon sina Bela Padilla at JC Santos?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/4/2018 10:32 AM
Bela Padilla sa relasyon nila ni JC Santos: ‘Naging mag-best friend kaming dalawa’


Photo credits: @bela IG

 

Parehong loveless ang mga bida ng pelikulang The Day After Valentine’s na sina Bela Padilla at JC Santos.
 
“Pinakasalan na namin yung trabaho namin. Showbiz na ang jowa ko,” biro pa ni Bela sa magkasamang interbyu nilang dalawa ni JC
.
Unang nagkasama sina Bela at JC sa pelikulang 100 Tula Para Kay Stella na nag-top gross sa Pista ng Pelikulang Pilipino last year. Parehong prinodyus ng Viva Films at idinirek ni Jason Paul Laxamana ang dalawang pelikula.
 
Patuloy pang kuwento ni Bela, “Priority lang talaga namin ang trabaho ngayon. Ang sarap niya ngang kasama ngayon, eh. As in last year kasi nagkakahiyaan pa kami. Ngayon, chika galore na talaga kami. Super.”
 
Ayon kay JC, masaya rin siya na muling nakatrabaho si Bela.
 
“Oo naman. Masarap itong katrabaho ever since naman kahit nung bago pa yung Stella gusto na siyang makatrabaho,” sey pa ng aktor.
 
Hindi ba nila puwedeng i-level-up ang kanilang friendship?
 
“Parang sa ngayon parang hindi po. Kasi yon nga, eh, naging mag-best friend kaming dalawa,” sagot ni Bela.
 
Hirit naman ni JC, “Tropa ‘to, eh.”
 
Na sinegundahan ulit ni Bella ng, “Naging tropa kami, eh. Yung parang pag nagka-girlfriend siya kailangang dumaan sa akin.
 
“Nung nakilala ko kasi si JC may girlfriend siya and yon yung napag-uusapan namin palagi. Kinukumusta ko siya, ‘Oh, kumusta girlfriend mo? So hindi kami nagkaroon ng ganung idea.”
 
Dagdag ulit ni JC, “And I think nagwo-work yung relationship namin na ganun, na good friends talaga kami.”
 
“Tsaka hindi kailangan na lahat ng makatrabaho mo maging dyowa mo,” sabi ulit ni Bela.
 
May pressure ba sa bago nilang movie considering na top grosser nga sila last year?
 
“Ako ang tingin ko dito, parang homecoming for us. Kumbaga, alumni na kami. Parang hindi na ako nag-i-expect para sa aming dalawa. Magiging masaya din kami para sa ibang pelikula na kumita rin ng marami.
 
“Ang PPP kasi hindi rin naman siya competition, celebration nga siya, very festive, so we’re trying to promote Filipino films kaya magiging masaya kami para kahit kanino,” paliwanag ni Bela.
 
Sey naman ni JC, “Wala namang pressure. Hindi naman din kami nag-expect don sa Isang Daang Tula Para Kay Stella. Nagulat din lang kami noon, so sana.”