• Home
  • Fresh Scoops
  • WATCH: Napagkamalang Daniel Padilla, pinagkaguluhan ng mga fans

WATCH: Napagkamalang Daniel Padilla, pinagkaguluhan ng mga fans

Sinalubong ng mga tilian at pa-piktyur ang lalaking napagkamalang si Daniel Padilla.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/31/2018 5:18 PM
WATCH: Napagkamalang Daniel Padilla, pinagkaguluhan ng mga fans


 

Viral ngayon ang isang video mula sa Facebook user na si Henry Jeff Ramirez Mardo nang mapagkamalan siyang si Daniel Padilla ng mga KathNiel fans sa labas ng isang mall. Ang nasabing video na uploaded noong August 26 ay may caption na, "Nuod kayo nang Movie namin ni Yayabs. ‘The Hows of Us’ Yung napagkamalan ako na Ako daw si Daniel Padilla (sic)."

Sa video makikita na binuksan ng lalaki ang bintana at kumaway sa mga fans na nag-aabang sa KathNiel. Nang mapansin siya ng mga fans, agad na lumapit ang iba na tumitili at nagpapiktyur pa sa kanya. Maging ang mga security guards ay hinawi ang mga nagkakagulong fans.

Paliwanag ng uploader sa comment section, pampasaya lang ang ginawa niya sa video. Ipinost din niya ang nakuhang selfie kasama ang mga fans.

Sa kasalukuyan, mahigit 507,000 views, 7,600 likes at 6,300 shares na ang video. 

Palabas pa rin sa mga sinehan ngayon ang The Hows of Us