Ritz Azul, pinaghandaan na ang pagbabalik pelikula

Naniniwala din daw si Ritz Azul may tamang panahon at tamang proyekto na nakalaan para sa kanya.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/31/2018 10:32 AM
Ritz Azul, pinaghandaan na ang pagbabalik pelikula


 

Looking forward na ngayon para sa nalalapit na showing ng The Hopeful Romantic ang Kapamilya sta na si Ritz Azul kasama si Pepe Herrera.

Sa naganap na media conference ng upcoming movie, hindi naitanggi ng aktres ang kanyang pananabik para sa kanyang maituturing na first lead role at first mainstream movie project.

“Para sa akin, maganda po ang pasok nitong The Hopeful Romantic kasi nakapag handa po ako personally, physically for the movie, sana magtuloy-tuloy,” bungad ni Ritz sa media.

 

Dito, hindi naiwasan na mahingan din ng reaksyon ang aktres kung ano ang naramdaman niya sa tila pagka-udlot umano ng kanyang karera.

“Para sa’kin hindi po ako yung naiinip, kasi nagkaroon din po ako ng time sa family ko and yun ang pinakamahalaga para sa akin,” paliwanag ni Ritz.

Aniya, natagalan man daw bago masundan ang kanyng proyekto, naniniwala pa din umano siya sa perfect timing na laan para sa kanyang karera.

“Ako naman po, tumatanggap lang ako ng mga dumarating sa buhay ko and naniniwala ako na parang ‘everything happens for a reason’, ang panahon ang magbibigay kung ano ang dapat para sa’yo,” tugon pa nag aktres sa media.

Abril ng 2016 nang pumirma sa Kapamilya network si Ritz mula sa kanyang dating TV network.

 

#UpToDate: @ritzazul is now a kapamilya!

A post shared by Dreamscape PH (@dreamscapeph) on

 

Samantala, ang huling teleserye ng aktres sa Kapamilya network ang The Promise of Forever kasama sina Paulo Avelino at Ejay Falcon. Kasama naman ang aktres sa Banana Sundae.

Sa ngayon, puspusan na sa paghahanda sina Ritz at Pepe sa nalalapit na showing ng The Hopeful Romantic sa darating na Septyembre 12 sa direksyon ni Topel Lee.