• Home
  • Fresh Scoops
  • Lani Misalucha, kinakabahan makasabay si Morissette Amon sa concert

Lani Misalucha, kinakabahan makasabay si Morissette Amon sa concert

May payo din si Lani Misalucha para sa nakababatang singer.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/31/2018 9:30 AM
Lani Misalucha, kinakabahan makasabay si Morissette Amon sa concert


Photo credit: @itsmorissette/ @lanimisalucha on IG

 

Palaging nagkakaroon ng isyu kay Lani Misalucha (lalo na noon) tuwing nagpe-perform siya kasama ng ibang female singers sa stage. Hindi raw kasi maiwasang masapawan o ma-upstage niya ang mga kasabay na singers when she performs na according to her ay hindi raw naman niya sinasadya.

“Pag kumakanta naman tayo onstage, hindi naman natin iniisip na sapawan ang kasama natin,” katwiran ni Lani.

“We just do our best because that is how we are supposed to do it, to please our audience. Yes, I do hear comments that I upstaged so and so, but that was not intentional,” dugtong pa ng Asia’s Nightingale.

Makakasama ni Lani si Morissette Amon sa concert titled A Lani Morissette: Musical Journey na gagawin sa The Theatre at Solaire on September 22 and 23. Wala rin daw sapawang mangyayari sa show, kaya lang hindi raw maiiwasang siya mismo ang kabahan kapag kasama ang batang singer.

Ani Lani, “Seeing her show, her performances, parang siya yung baterya na hindi nauubos. Parang hindi siya nauubusan ng energy, ng power.

“Nakarating din sa akin ito, na meron ding mga (natatakot makasabay siya sa stage), I don’t know if I’m going to use the word insecure, but meron din ibang mga singer na somehow medyo natatakot sa kanya kasi nga that’s how good she is.

“Whenever she performs, ‘Ito ako, ito yung ipe-perform ko. Ito yung maibibigay ko because this is how I actually sing.’ Kaya yung iba, nagaganun (natatakot) sa kanya. Na hindi niya sinasadya kasi yon siya, eh, di ba?

“So yung ano niya na yon, parang ako yata yung takot,” natatawa niyang pahayag.

Naging emosyonal naman si Lani nang personal niyang binigyan ng advice si Morissette tungkol sa kanyang career.

“Go ahead, and i-mold mo pa yung craft at yung talent. You are a very good artist and you’re going to go a long way. Never, never forget that, that was given to you, God gave you that talent, all of our skills and talents and any time it can go away. It can be taken away from you in a snap.

“Be grateful and always acknowledge the one who gave you that. We have to be grateful all the time.”

Hindi na napigilan ni Lani ang mapaiyak sa mga sumunod niyang pahayag.

“Minsan kasi masyado na akong busy alam mo yon. Tapos nalilimutan ko na… teka muna, hindi na ako ano, alam mo yon? Minsan ganun talaga, eh, unti-unti ka ng lumalakad away from the one that you have to give priority to.

“Nangyayari yon, eh. Sana lang hindi talaga dire-diretsong makalimot. Kasi nangyari na sa akin yan before, so nakakahiya… nakakahiya lang na hindi mo ma-acknowledge yung nagbigay sa atin ng biyaya,” sabi pa niya kay Morissette.

Ang A Lani Morissette: Musical Journey is under the direction of Carlo Orosa.