Karakter ni Pepe Herrera babalik sa ‘Ang Probinsyano’?

Labis din ang naging pasasalamat ni Pepe Herrera kay Coco Martin.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/31/2018 10:26 AM
Karakter ni Pepe Herrera babalik sa ‘Ang Probinsyano’?


 

Labis na pananabik ngayon ang nararamdaman ng komedyante na ai Pepe Herrera para sa kanyang first lead role sa movie na The Hopeful Romantic kasama si Ritz Azul.

 

Kuwento ng komedyante, hindi umano niya akalain ang magiging magandang epekto sa kanya ng kanyang karakter sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Benny.

“Opo, opo definitely and I always mention it until now lalo na yung mga bata sa set ang tawag pa din sakin Benny,” bungad ni Pepe.

Pagdating naman sa kanyang naging desisyon noon na iwanan ang kanyang karakter, wala daw siyang naging pagsisisi para dito.

“Minsan hindi maiiwasan na may bulong bulong na ‘sana ganito, sana ganito ang desisyon ko’ pero sinusubukan natin na hindi mag-dwell sa ganun e kasi naniniwala ako na hindi siya maganda e hindi siya productive pag nag-regret ka,” paliwanag pa niya.

Aniya, maayos at naging malinaw ang naging pag-uusap nila ng Kapamilya executives sa kanyang naging desisyon.

 

“Nagkaroon po kami ng series ng pag-uusap ni Coco, ni Sir Deo [Endrinal] tapos hanggang sa maka-arrive kami sa isang decision na makakabuti para sa lahat which includes me and the story,” sabi pa niya.

Aminado ang komedyante na hanggang ngayon ay malaki pa din daw ang pasasalamat niya kay Coco para sa tatak na karakter na kanyang ginampanan.

“Thankful lang po ako na it was really’s Coco’s decision na yung final scene ko mag-end sa ganun,” pahayag pa niya.

Sa usapin naman sa posibiliad ng kanyang pagbabalik sa Ang Probinsyano, ito ang kanyang naging sagot “Siguro po mas maganda na magsama nalang kami sa ibang movie project,” tugon pa niya.

Sa ngayon puspusan na sa paghahanda sina Pepe at Ritz sa nalalapit na showing ng The Hopeful Romantic sa darating na Septyembre 12 sa direksyon ni Topel Lee.