Jake Zyrus, mapapanuod bilang Charice sa huling pagkakataon

Jake Zyrus on his role for a Japanese film: ‘Yung boses ko din dun Charice pa.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/31/2018 8:57 AM
Jake Zyrus, mapapanuod bilang Charice sa huling pagkakataon


 

Sa ulat mula sa TV Patrol, mapapanuod muli si Jake Zyrus bilang Charice Pempengco sa Japanese movie na She’s A Killer. Ani Jake, “Ang role ko po dun parang best friend ako ng bida… ako yung kanang kamay niya dahil assassin siya.”

Kinunan ang film last February bago mag-transition si Jake bilang isang trans-man. Ito daw ang huling project na ginawa ni Jake bilang Charice. “Ako din po ang kumanta ng theme song… yung boses ko din dun Charice pa.”

Ayon pa kay Jake sana maipalabas din ang pelikula dito sa Pilipinas.  Ipapalabas ang pelikula sa Japan sa October 2018.