• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Myrtle Sarrosa, minsan nang naiinip sa takbo ng career

EXCLUSIVE: Myrtle Sarrosa, minsan nang naiinip sa takbo ng career

Myrtle Sarrosa: ‘Ang hirap din maging patient dito sa showbiz.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/31/2018 9:22 AM
EXCLUSIVE: Myrtle Sarrosa, minsan nang naiinip sa takbo ng career


Photo credit: @myrtlegail on IG

 

Ayon kay Myrtle Sarrosa, inabot ng halos six and a half years bago siya nabigyan ng lead role sa pelikula. Ang Pinoy Big Brother teen edition big winner ay bida ngayon sa fantasy movie na Wander Bra mula sa direksyon ni Joven Tan.

“Supposedly, yung pinakauna kong lead role was for a teleserye years back right after PBB. Pero yung nangyari, kahit na-shoot na namin siya hindi siya natuloy. So, medyo heart-broken ako nung first year ko pa lang in the showbiz.

“Tapos ang dami ng nangyari. Dapat din early this year magkakaroon na ako ng lead role with Direk Maryo (J. delos Reyes), as my director, tapos yon nga, may nangyari sa kanya. Sometimes talaga, life happens and it was very sad na nangyari yon. Pero I’m grateful kay Direk Maryo because… yung parang na-convince niya ako na puwede pala ako sa lead role at puwede akong maging leading lady.

“Now nga ang dami nangyari, like ngayon I’m starring in my own superhero film, ito ngang Wander Bra, and meron pa akong other upcoming films,” she said.

Hindi rin naiwasan mabanggit ni Myrtle ang pagka-miss niya sa premyadong director dahil malaki raw ang naitulong nito sa kanyang showbiz career noong nabubuhay pa siya.

“Siya kasi yung isa sa mga director na nagsasabi sa akin na he can see na I could become someone in this industry. Ang laki ng tiwala niya sa akin, sobra.

“Binigyan na niya ako ng script noon. Ready na kami to start shooting, pero yon nga yung nangyari.

“Actually, si Direk Maryo din yung nakipag-usap sa Regal to get me as a Regal artist at ngayon nagkatotoo na kasi kinuha na ako ng Regal Films. Ang laki ng utang na loob ko kay Direk Maryo.

“Sobrang grateful ko sa kanya, kasi siguro kung hindi niya ako kinausap before na to have faith in myself, baka hindi ko rin marating ito, kaya grateful talaga ako sa kanya,” dire-diretso niyang kuwento.

Ibinahagi rin ni Myrtle sa PUSH ang paniniwala niya na lahat ng magagandang bagay ay dumarating sa tamang oras at panahon.

“Minsan talaga, may mga hindi mo inaasahan in life na parang dumarating tapos hindi natutuloy. Parang tinatanong mo yung sarili mo, bakit kaya may parang ganun na pangyayari? I think it’s really in God’s time na God has a perfect plan, a perfect time for you, tapos you just have to be patient.

“Pero ang hirap din maging patient dito sa showbiz, pero dumating din, eh. Andiyan na ngayon, so grateful na ako sa opportunity.

“Mahirap din kasi yung hindi ka grateful sa mga dumadating at siguro yon din yung pagkukulang ko before. Hindi ko na-appreciate agad yung mga dumating sa akin kaya minsan nawawala. So, ngayong may mga dumadating sa akin, lahat ng blessings, mas na-appreciate ko na,” paliwanag pa ni Myrtle sa PUSH.