• Home
  • Fresh Scoops
  • Anong reaksyon ni Karla Estrada sa kissing scene ng KathNiel?

Anong reaksyon ni Karla Estrada sa kissing scene ng KathNiel?

Tila na-hot seat si Karla Estrada ng mga The Kids’ Choice judges.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/31/2018 4:26 PM
Anong reaksyon ni Karla Estrada sa kissing scene ng KathNiel?


 

Sa episode ng Magandang Buhay, August 31, isa-isang tinanong ng mga Just Kids League o The Kids’ Choice judges na sina Xia Vigor, Onyok Pineda, Carlo Mendoza, Chunsa Jung at Jayden Villegas ang mga momshie-hosts.
 
Tanong ni Xia kay momshie Karla Estrada kung ano ang reaksyon niya sa kissing scenes ng anak na si Daniel Padilla at ka-loveteam nitong si Kathryn Bernardo.
 

 
“Alam niyo mga anak (kiddie judges), nasa tamang edad kasi ginagawa ‘yon bilang artista. Si Kuya Daniel at Ate Kathryn ay nasa tamang edad para i-acting na ‘yung ganon,” sagot ni Karla.
 
“Dapat nasa right age. I think ang right age ay nasa 22 pataas,” dagdag pa niya.
 
Tila hindi natapos doon ang maiinit na tanong mula sa mga kiddie judges tinanong ni Onyok kung alam ba ni Karla na mahigit limang taon nang magkarelasyon ang KathNiel.
 
Diretsong sinagot naman ito ng ina ni Daniel ng, “Hindi. Kasi hindi ako nakiki-alam (kapag) tungkol sa relasyon nila.”
 
Paliwanag pa ni Karla, “Si Daniel dapat, (kasi) ang lalaki dapat ang nagsasabi lagi (sa iba) tungkol sa relasyon. Kasi hindi maganda na manggagaling sa babae o sa nanay.”
 
Pahabol na tanong naman ni Xia ay kung handa na bang maging lola si Karla.
 
“Hindi naman natin alam ang mga ganyan kung kailan darating. Kung dumating, hindi yung pagiging lola ang pino-problema natin. Ang kailangan nating paghandaan ay kung ‘ready ka na bang bumuhay ng anak?’” sagot ni Karla habang tinutukso ng co-hosts na sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal dahil sa mga nakakagulat na tanong mula sa mga guests.
 


 
Mapapanuod ang unang episode ng The Kid’s Choice sa September 1. Kasama ng mga nasabing Just Kids League ay ang dalawang hosts na sina Robi Domingo at Eric Nicolas.