Yan Sison: extra noon, recording artist na ngayon

Ibinahagi ng bagong recording artist ang kanyang inspirasyon sa pag-abot ng kanyang pangarap.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/30/2018 9:58 AM
Yan Sison: extra noon, recording artist na ngayon


 

Mula sa pagiging extra sa mga Kapamilya shows noon, isa na ngayong ganap na EDM [Electro Dance Music] recording artist si Yan Sison.

 

Nakilala si Yan bilang isa sa miyembro ng Davao boy band na Avalon Beyond.

 

At ngayong nagsisimula na siya sa kanyang karera bilang recording artist, bagong tunog para sa mga millennial ang handog ni Yan.

“I think ang generation ngayon, they want something new na, parang somehow nag-evolve na din sa generation ngayon,” bungad ng bagong recording artist.

Pagmamalaki pa niya, “Ako po ang nag-produce, ako po nag-arrange with the help of my friends, it’s more of me, more of music pop rock ballad, more of electronic music talaga,” tugon pa niya sa press.

Inamin ng baguhang recording artist na hindi biro ang kanyang pinagdaanan sa pag-abot ng kanyang pangarap.

“May mga persons ako na kinontak noon, mga record labels pero ano lang wala, walang reply nga ganun,” saad pa ni Yan.

“But I don’t take it negatively. Siguro para sa kanila not yet time for me. Kahit na hindi pa pero I need to move forward pa din and I have to improve my self pa din,” pahayag pa niya.

Sa ngayon, abala si Yan sa pag-promote ng kanyang solo album na Underrated.