• Home
  • Fresh Scoops
  • Robi Domingo says his new love life is unexpected and unplanned

Robi Domingo says his new love life is unexpected and unplanned

Ipinaliwanag ni Robi kung bakit niya tinuturing na unexpected at unplanned ang kanyang lovelife ngayon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/30/2018 3:45 PM
Robi Domingo says his new love life is unexpected and unplanned


 

Sa nakalipas na episode ng Magandang Buhay, August 30, ipinaliwanag ng Star Hunt host na si Robi Domingo kung bakit nasabi niyang ‘unplanned’ at ‘unexpected’ ang buhay pag-ibig niya ngayon.
 
“Unexpected, kasi nung time na hindi ko naman hinahanap, biglang dumating at matagal na kaming magkakilala, actually batchmates kami noong college. Tapos ‘dun lang lang kami nag-click kumbaga. Tapos, yun na,” ani Robi.
 


 
Maaalalang nakuhanan ng video ni Alex Gonzaga na minsang kasama ni Robi ang rumored girlfriend na hanggang ngayon ay hindi pa nakikilala ang pangalan.
 
READ: Did Alex Gonzaga catch Robi Domingo with his date?
 
Kwento ng co-host ni Robi sa The Kids Choice na si Eric Nicolas, nakakasama nila ang tinutukoy na babae sa mga taping nila. “Supportive siya. Nagte-taping kami, nandun siya, naka-upo lang kahit anong oras na kami inabot, nandun siya para kay Robi,” kwento ni Eric.

 
Nagbigay naman ng sweet message si Melai Cantiveros na co-host naman ni Robi sa Star Hunt, “Basta Rob, bilang mga kaibigan mo sa Star Hunt, sobra kaming happy na masaya ang puso mo ngayon.”
 
Mapapanuod ang The Kid's Choice ngayong Sabado, September 1. Samantala, tuluy-tuloy ang Star Hunt tuwing Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Araw-Gabi.