• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Zeus Collins on falling in love with Kakai Bautista: ‘Hindi po malabo yon’

EXCLUSIVE: Zeus Collins on falling in love with Kakai Bautista: ‘Hindi po malabo yon’

Zeus Collins, proud din sa kaibigang Jon Lucas sa pag-amin na may asawa’t anak na ito.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/30/2018 9:15 AM
EXCLUSIVE: Zeus Collins on falling in love with Kakai Bautista: ‘Hindi po malabo yon’


Photo credit: @hashtag_zeuscollins on IG

 

Proud si Hashtag Zeus Collins sa ginawang pag-amin ng dati niyang kasamahan sa grupo na si Jon Lucas tungkol sa pagkakaroon nito ng anak at pagpapakasal sa isang non-showbiz girlfriend.

Ayon kay Zeus, hindi madaling desisyon ang ginawa ng kaibigan dahil puwedeng masira ang career nito sa ginawang pag-armin.

“Proud ako sa kanya. Proud na proud ako kay Jon Lucas dahil kasi alam kung gustung-gusto niya talagang ilabas yon. Para sa akin masayang-masaya ako dahil alam kong masaya din siya sa ginawa niya,” reaksyon ng binata na partner ni Kakai Bautsita sa pelikulang Wander Bra na pinagbibidahan din ni Myrtle Sarrosa.

Pabirong hirit namin kay Zeus, kailan naman ba niya aaminin na meron na rin siyang anak?

Biglang natawa sagot ni Zeus, “Wala, wala akong ilalabas. Gagawa pa lang.”

Eh, paano ba niya ina-address ang isyu na madalas siyang pagkamalang meron na ngang anak?

“Siguro ano lang, dahil ganito yung itsura ko, marami akong tattoo at parang mas may edad ako sa mga Hashtags kaya yon ang naiisip nila, na may baby na ako, pero ang totoo, waley,” pakuwela niyang sagot.

Wala pa ba siyang balak magka-baby?

“Wala ngang girlfriend, baby pa? Kanino naman? Hahaha! Sa ngayon kasi pamilya ko muna yung iintindihin ko saka yung trabaho ko,” tugon ng binata.

Dati na palang nakakatrabaho noon ni Zeus si Kakai tuwing may album tour si Maja Salvador. Madalas isinasama ni Maja si Kakai bilang host at si Zeus bilang isa sa mga back-up dancers.

Hindi ba siya nailang nung malamang makakatrabaho niya sa Wander Bra ang singer-comedienne?

“Hindi naman kasi kapag nagso-show kami, parang isa kaming pamilya. Kahit si Ms. Maja Salvador na lagi naming kasama, hindi namin nararamdaman na artista siya.

“Yung trato niya sa akin normal lang po. Hindi ko napi-feel na artista siya. After naming mag-show nagba-bonding kami. Hindi niya pinaparamdam na sikat siya, normal lang.

“Hindi rin ako na-intimidate kay Kakai. Siguro dahil nga sa pinapakita niyang pakikisama sa akin at sa iba pang dancers na kasama ko. Hindi siya yung, ‘ay dancer lang,’ hindi niya pinaparamdam yon,” pagtatapat niya.

Posible ba siyang ma-in love sa katulad ni Kakai?

“Hindi po malabo yon,” pag-amin ni Zeus.

“Kasi siyempre, hindi nama’t porke, yung nakilala natin sa TV si Kakai na medyo… ayun ganun yung itsura niya, hindi naman po sa itsura tinitingnan yon, eh.

“Kasi pag nakitaan mo ng mabuti hindi lang sa panlabas, nakitaan mo ng maganda, may takot sa Diyos, siyempre hindi malabo na hindi ka mahulog sa tao na yon,” rason niya.
Hindi ba siya tumitingin sa itusra ng babae?

“Siyempre praktikal, titingin ka sa ganun. Pero kung lagi kang tumitingin sa physical appearance ng isang tao at gusto mo lang siya dahil sa itsura niya, tapos lagi naman kayong nag-aaway at hindi maganda yung relationship n’yo, hindi rin maganda.

“So, siguro pag nakita mong mabait yung isang babae kahit na hindi ganun kaganda, mai-in love ka at magiging masaya kayo dahil pareho kayong nagkaka-inlaban,” katwiran ni Zeus sa PUSH.

Palabas na ang Wander Bra sa September 12 mula sa Blue Rock Entertainment. The film is directed by Joven Tan.