• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Tony Labrusca on people fantasizing about him: ‘We all have those thoughts’

EXCLUSIVE: Tony Labrusca on people fantasizing about him: ‘We all have those thoughts’

Tony Labrusca says he doesn’t see himself going sexy in showbiz projects for now.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/30/2018 9:04 AM
EXCLUSIVE: Tony Labrusca on people fantasizing about him: ‘We all have those thoughts’


Photo credit: @tony.labrusca on IG

 

Hindi aware si Tony Labrusca na kapag nagpo-post siya paminsan-minsan ng mga photos sa social media ay maraming kinikilig at sobrang humahanga. Lumaki sa Amerika si Tony kaya normal lang for him to post photos of his shirtless body after going to the gym at iba pang activities displaying his physique.

“It is flattering. Pero to be honest, hindi po ako masyadong social media person. I learned from working with KathNiel na you shouldn’t read comments. So pag magpo-post ako, sige post lang.

“Hindi naman ako yung type na tsini-check ko yung comments at mag-i-scroll ako kung ano talaga yung mga sinasabi nila,” reaksyon ng binata sa nag-a-admire ng body niya from social media
.
Mas natutuwa raw siya kapag ang message na nababasa ay galing sa mga nanay o sa mga lola.

“For me, yung pinaka-nakaka-touch na message talaga is pag yung mga nanay or mga lolas, nagko-comment sila na parang idol nila ako or nung mga anak nila, o yung grandchildren nila look up to me.

“Yon yung talagang nakaka-inspire, pero for anybody who does appreciate my body, thank you so much,” sabay ngiti niya.

Eh, paano niya naman hina-handle kung merong gays and girls na mag-fantasize sa kanyang katawan?

“You’re only human, right? I mean… so whatever. We all have those thoughts. Kung wala kang ganun na thoughts baka alien ka,” reaksyon niya.

In the movies kaya ba niyang magpakita rin ng katawan?

Sagot ni Tony, “To be honest, nakausap ko si Joem Bascon about that. Sabi ko, parang hindi ko nakikita sa sarili ko na masyadong mag-bold. Sabi niya, ‘Bro, aabot ka sa time na magga-ganyan ka din, mag-iiba yung ano mo.’ So, sabi ko, I just won’t close my door, you know what I mean.

“But for now, I’m just focused on the work that has been given to me. I mean, kaka-start ko lang, baby pa lang ako dito sa industriyang ito.”

Sa palagay ba niya hindi nakakabawas ng kamachuhan niya na palaging kasama ang mom niya sa mga showbiz events?

“No, hindi naman. Kasi dati nga pag lumalabas kami, nando’n din yung mommy ko. I mean, wala silang masabi sa akin kasi nando’n yung mom ko. As long as my mom is there, I feel safe,” katwiran niya.

“It just so happens kasi na my mom lives with me, we have a house in Pasig. It just so happens that I’m always around my mom kasi she’s the only one that’s in the house.

“My stepfather kasi, he lives in Canada and he also stays in Camarines Sur. My biological dad is based in QC kasi, so it’s just natural na lagi kaming magkasama ng mom ko,” dagdag niyang paliwanag.

Inamin din ni Tony na mas naging close siya ngayon sa mom niya compared before.

“I think, just like everybody else, kami ng mommy ko, we really didn’t have that perfect relationship growing up. I mean, just like any mother and son, we used to fight a lot.

“Pero if you really work hard on something anything is possible and just like my relationship with my mom, we’re so much better now and we’re really close,” sambit pa ng fast-rising Kapamilya actor.