• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla, may payo sa mga napapagod na sa isang relationship

Daniel Padilla, may payo sa mga napapagod na sa isang relationship

Daniel Padilla: ;Maraming beses na akong napagod, pero hindi ko siya iniwan.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/30/2018 9:24 AM
Daniel Padilla, may payo sa mga napapagod na sa isang relationship


 

Sa Tonight with Boy Abunda, ipinaliwanag ni Daniel Padilla kung bakit inamin na nila finally ni Kathryn Bernardo ang kanilang five-year relationship. “Nakakapagod na ring gumawa ng alibi di ba? I think it’s the perfect time. Pero sana yung sinabi ko yun hayaan na natin wag na nating kalkalin. Just give a little space.” 

Nangangarap din diumano sila ng future nila ni Kathryn. “We daydream. Minsan nag-iisip kami sa future namin.” Ilan dito ang dream wedding at dream house nila.

Natanong din siya kung iiwan niya si Kathryn kung pagod na siya, pero ang sagot ni Daniel, “Maraming beses na akong napagod, pero hindi ko siya iniwan.” 

Isa daw sa dapat gawin kapag napapagod na isang relationship ay, “You have to make it exciting. You should do something na kayong dalawa lang. Kasi every time marami kaming kasama ni Kathyrn. And once kaming dalawa na lang, nagiging adventure siya. So mas lalo ko siyang naa-appreciate, mas lalo ko siyang nararamdaman.” 

Nagkaroon din diumano sila ng “break from each other” pero, “mabilis lang kasi hindi din namin kaya.” 

Payo din ni Daniel sa lahat, “Kailangan umabot tayo sa point na kuntento na tayo and you will be genuinely happy.”