• Home
  • Fresh Scoops
  • Vhong Navarro: ‘Willing (ako) magpatawad, kung pinagsisihan’

Vhong Navarro: ‘Willing (ako) magpatawad, kung pinagsisihan’

Ibinahagi ni Vhong Navarro ang pakiramdam niya matapos manalo sa kasong isinampa kina Deniece Cornejo, Cedric Lee at Jed Fernandez.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

8/3/2018 1:44 PM
Vhong Navarro: ‘Willing (ako) magpatawad, kung pinagsisihan’


 

Sa media conference ng bagong pelikula na Unli-Life, ibinahagi ni Vhong Navarro sa press ang pakiramdam matapos manalo sa kaso laban kina Deniece Cornejo at Cedric Lee. “Mag-lilimang taon na rin. Kumbaga at least nagkaroon tayo ng hinga. Nakita ng judge kung ano talaga yung (totoo),” aniya. 

Kamakailan ay nilabas ng Taguig City Metropolitan Trial Court ang hatol na guilty sa kasong grave coercion sa kampo nina Deniece at Cedric. 

Nang tinanong ang aktor kung handa siyang magpatawad, “Sabi ko nga uli, ako naman, willing magpatawad kung ang tao pinagsisihan kung ano ginawa nila. Kasi mahirap magpatawad kung ang tao, may galit pa rin sila. ‘Di pa rin sila humihingi ng tawad,” sagot niya.

Sinabi ng It’s Showtime host na hindi niya maiwasang balikan ang mga masasakit na dinanas noon sa tuwing napag-uusapan ito ngayon. 

“Hangga’t maaari ayoko nang pag-usapan. Kasi bumabalik ulit e, kumbaga nakakapag-move on na tayo kahit papano pero ‘pag nababalik ulit ‘dun sa mga balita, natitigil ako at sumasariwa sa akin mga nangyari,” pahayag ni Vhong. 

Hindi naging madali para kay Vhong ang mga pinagdaan niya noon, dagdag rin ng pagkamatay ng ama nitong Enero. “Nung pinagdaanan ko ‘nung 2017, napakabigat. Marami akong pagsubok na pinagdaanan pa. At ‘yung pagpasok ng January, heto ‘yung nawala ang aking ama na napakalapit sa akin. Sabi ko, ‘Lord, ang hirap kwestyunin, akala ko tapos na, akala ko okay na,’” ani ng aktor.

Sa kabila ng mga pagsubok na nabanggit, pinili ni Vhong na mag-pokus sa mga sunud-sunod na blessings na natanggap ngayong taon tulad ng pagkapanalo ng kaso at ang pagsali sa Pista Ng Pelikulang Pilipino 2018 sa pelikulang Unli Life.

“After ng paghihirap ng daddy ko, at kinuha na sa akin, heto naman ‘yung mga blessings. Sinasabi ko nga, yung faith natin, wag mawawala.

“Nagiging totoo ako kasi yung mga dasal ko nangyari lahat, binigay niya sakin lahat,” dagdag ni Vhong.

Ang Unli Life ay isa sa mga pelikulang pasok sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 na pinagbibidahan ni Vhong. Kasama niya rito sina Wynwyn Marquez, Joey Marquez, Alex Calleja, Jon Lucas, Donna Cariaga, Kamille Filoteo at iba pa. Sa direksyon ni Miko Livelo ang pelikula na sa ilalim naman ng produksyon ng Regal Entertainment.