Pelikula at telerserye, mga bagong aabangan kay Bea Alonzo

Kinunan sa Canada ang buong pelikulang pagbibidahan ni Bea Alonzo.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/3/2018 11:58 AM
Pelikula at telerserye, mga bagong aabangan kay Bea Alonzo


 

New look at balik Pilipinas muli si Bea Alonzo matapos mawala ng halos isang buwan para sa shooting ng bagong pelikula nila ni Aga Muhlach na kinunan pa sa Canada.

“First time ko to be working with direk Paul (Soriano) and Aga Muhlach as my co-actor. Medyo matagal kami nag-shoot sa Canada, one month halos,” kwento ni Bea.

“The entire movie will be set in Canada. Unang pelikula ko ito na buong pelikula nangyari outside the Philippines. Very exciting siya for me kasi yung character ko doon, local na Filipino-Canadian,” dagdag pa niya. 

 

Trivia ni Bea, isa si Aga sa matagal na niyang pinapangarap na makatrabaho.

“Ang saya ko kasi matagal ko nang pangarap na makatrabaho siya, even before he left ABS-CBN, pinag-uusapan nga namin na baka ito yung tamang timing na magka trabaho kami,” ani pa ng aktres.

 

LOL! 😂 #alitheexplorer #nick #buhaypelikula #vancouver

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo) on

 

At bukod sa tinitingala ni Bea si Aga bilang artista, marami din siyang natutunan sa pakikipag trabaho sa aktor.

“Ang dami ko natutunan sa kanya na ang daming maliliit na bagay about the industry na alam mo naman, pero hindi mo masyado iniisip,” paliwanag niya. 

Wala pang final title ang pelikula ni Bea at Aga, pero sa paglalarawan ni Bea matinding drama ang aabangan dito.

“Marami, maraming iyakan. Yung movie para sa akin ‘heartwarming’ siya eh, not just a love story but it’s a story about life,” pahayag pa ni Bea.

Bukod sa pelikula, isang bagong telerserye din ang binubuo para kay Bea kasama si Richard Gutierrez.