• Home
  • Fresh Scoops
  • Kamille Filoteo, naging emosyonal nang mapagusapan ang kanyang nakaraan

Kamille Filoteo, naging emosyonal nang mapagusapan ang kanyang nakaraan

Naging emosyonal si Kamille Filoteo nang tinanong kung ano ang gusto niyang baguhin at itama mula sa nakaraang buhay.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

8/3/2018 3:42 PM
Kamille Filoteo, naging emosyonal nang mapagusapan ang kanyang nakaraan


 

Naiiyak nang sagutin ng Ex-PBB Housemate at ngayo’y miyembro ng GirlTrends na si Kamille Filoteo, ang isang tanong, sa naganap na media conference ng pelikulang Unli-Life

 

Tinanong ang mga cast members, kung ano sa kanilang nakaraan ang nais nilang balikan at itama, gayong ang tema ng kanilang pelikula ay time-travel. 

“Kung babalik ako sa nakaraan ko, siguro yung time na ang bata ko nag boyfriend, ang bata kong na in love. Ang bata kong napasok sa masyadong seryosong buhay. 

“Kasi, maaga akong nagkaanak, 15 (years old) ako no’n tapos, ang dami kong nabigo,” sagot ni Kamille. 

Ayon din kay Kamille, ito ang pinaka-unang movie project niya. 

 

my lifetime ♥️

A post shared by Kamille Filoteo 🥀 (@kamillefiloteox) on

Hindi itinago ni Kamille ang pagiging teen mom mula nang unang pagpasok sa Pinoy Big Brother 737, kasama sina Barbie Imperial at Bailey May. Proud ang GirlTrends member sa pagpapakilala ng anak kahit sa Instagram. 

Isa ang Unli Life sa mga pelikulang pasok sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 at ipapalabas sa August 15. Ang pelikula ay mula sa Regal Films at sa direksyon ni Miko Livelo.