• Home
  • Fresh Scoops
  • Joey Marquez, tutol nga ba sa relasyon ni Winwyn kay Mark Herras?

Joey Marquez, tutol nga ba sa relasyon ni Winwyn kay Mark Herras?

Hindi pa daw ready si Joey Marquez na magka-apo kay Winwyn.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/3/2018 10:25 AM
Joey Marquez, tutol nga ba sa relasyon ni Winwyn kay Mark Herras?


Photo credit: @jimpylosophies (L) on IG

 

Magkasama ang mag-amang Joey Marquez at Winwyn Marquez sa pelikulang Unli Life ng Regal Entertainment. Pero ayon kay Joey, wala siyang eksena kasama ang anak.

“Malay mo may part two. Sila ni Vhong (Navarro) ang maraming eksena,” kuwento pa ni Joey sa PUSH.

Segue agad kami sa tanong kung ready na ba siyang mag-asawa si Winwyn?

“Seloso pa rin ako. Sa mga anak kong babae, seloso ako. Kung puwede lang tumandang dalaga sila bakit hindi, di ba? Eh, kasi baka may makadaan na katulad ko (chickboy), mahirap na. Hangga’t maaari ayoko,” pag-amin niya.

Hindi pa rin daw siya ready na magka-apo agad kay Winwyn.

“Boyfriend nga ayoko, eh.”

So, hindi siya boto kay Mark Herras para sa anak?

“Ano lang… kung ano yung gusto niya. Pero kung ako ang tatanungin mo, hangga’t maaari, eh, hanggang sa umabot siya ng 32 years old akin muna siya. Eh, baby pa rin ang tingin ko sa kanila, eh. Lahat naman ng ama ang tingin sa kanilang anak ay baby lalo na ang babae,” reaksyon ni Tsong Joey.

Aware naman daw si Winwyn sa pagiging protective father niya.

“Alam naman niya na protective talaga akong ama. Alam naman niya na ginagawa ko lang yon to secure her future. At saka para makaiwas sa mga dating katulad ko—dati ha,” pagdidiin niya.

Eh, kumusta naman sila ni Mark?

“Mark Fernandez? Okay kami,” pabirong sagot niya sa tanong namin.

“Seriously, very civil kami. Wala naman akong ano sa kanya, ang iniisip ko lang, kailangan para makapasok ka sa ganung seryosong relasyon secure kayo pareho.

“Kasi hindi puwedeng puro pag-ibig lang yan. Ang pag-ibig kasi natutunaw yan pag wala ng pagkain sa lamesa. Ibang usapan na pag wala na kayong makain, iba na yon, eh,” rason niya.

Sa palagay ba niya chick boy din si Mark?

“Wala namang lalaking hindi chickboy, eh. Lahat naman kami chickboy. Kaya lang, ang inaano ko lang, yung responsibility.

“Kasi alam ko, nagawa ko kasi mali, eh. So, hindi ko naman pinangungunahan si Mark. Ang advice ko lang sa kanya, ‘Look at my past, I made the biggest mistake, I hope you’ll learn from it,’” pagbabahagi pa niya sa payong ibinigay kay Mark.

Ang Unli Life na prinodyus ng Regal Entertainment ay mapapanood mula sa August 15 to 21 bilang isa sa mga pelikulang kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino.