• Home
  • Fresh Scoops
  • Ina Raymundo on her husband: ‘Siya yung man of my dreams’

Ina Raymundo on her husband: ‘Siya yung man of my dreams’

Ina Raymundo, sinabing faithful ang kanyang asawa.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/3/2018 8:04 AM
Ina Raymundo on her husband: ‘Siya yung man of my dreams’


Photo credit: @inaraymundo95 (R) on IG

 

Sa Tonight with Boy Abunda, sinabi ni Ina Raymundo na importante sa kanila ng asawa niya ang pagiging faithful sa isa’t isa. “Very important. Sabi niya I can’t imagine na parang having a mistress, having a double life. That’s so hard. It’s not worth it.”

Nang tanungin kung hindi lapitin ng mga babae ang asawa niya, ang sagot ni Ina ay, “Hindi siguro. Kasi magiging lapitin ka lang ng babae kapag flirt ka e. Kapag binibigyan mo sila ng chance. Sa asawa ko, proven yan, never.”

Kapag si Ina naman nilalapitan ng mga lalaki ay hindi daw niya ito pinapansin, “Hindi ko pinapansin, kasi yung asawa ko siya yung man of my dreams. Alam ng asawa ko na he’s the one. Na ba’t pa nga naman ako magbu-burger e may steak na ako, ‘di ba?”

Pero binibiro din diumano ang kanyang asawa na, “Sabi ko sa kanya, ‘But honey, I love burger.’ (Sabi niya) wag na lang burger, iba na lang!”

Bibida si Ina Raymundo at Ogie Alcasid sa Cinemalaya 2018 entry na Kuya Wes