Gerald Anderson, nagbigay detalye sa bagong teleserye

Kahit na busy sa basketball training at trabaho, may oras pa rin ang aktor para sa kanyang inspirasyon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/3/2018 4:23 PM
Gerald Anderson, nagbigay detalye sa bagong teleserye


 

Sa kanilang basketball practice para sa Star Magic games, excited na nagbigay detalye ang aktor na si Gerald Anderson sa kanyang bagong ginagawang teleserye.

Kuwento ni Gerald, first shooting day pa lang ay ramdam na niya agad ang mga maaksyon na eksena.

“Meron simula agad. Ang masasabi ko sa first, two, three days ko pa lang, alam ko na may ginagawa kang maganda eh, naramdaman ko ‘yan sa first day pa lang,” bungad niya.  

Kuwento pa ng aktor, double time siya ngayon sa paghahanda para sa telerserye na kasabay ng kanyang training sa Star Magic All-Star Basketball Game at Marikina Shoemasters.

 

Never Stop dreaming 🏀 ...

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr) on

 

“Sobrang excited ako doon pero medyo mahirap kasi ang dami nangyayari. May Star Magic basketball ako, may Marikina league. I’m excited, may ibang taping sila, hindi ako kasama dahil medyo madugo yung kinukunan nila,” sabi pa ni Gerald.

Busy man daw sa hectic na trabaho at basketball, naisisingit pa rin daw ni Gerald ang oras para sa kanyang inspirasyon na si Bea Alonzo.

READ: Gerald Anderson and Bea Alonzo spotted at PBA game

“Okay naman, first time kasi namin na manuod ng PBA, maganda kasi kakilala rin namin ‘yung ibang players and nag-invite sila, so ayun masaya naman,” nakangiti niyang sinabi. 

Sa ngayon, todo paghahanda ni Gerald para sa inaabangan na Star Magic All-Star Game ngayong August 19 sa Araneta Coliseum.