• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Jon Lucas, masaya sa naging pag-amin tungkol sa pagkakaroon ng asawa’t anak

EXCLUSIVE: Jon Lucas, masaya sa naging pag-amin tungkol sa pagkakaroon ng asawa’t anak

Masaya din daw ang asawa ni Jon Lucas sa kanyang pag-amin.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/3/2018 10:28 AM
EXCLUSIVE: Jon Lucas, masaya sa naging pag-amin tungkol sa pagkakaroon ng asawa’t anak


 

Sa muling pagharap ni Hashtag Jon Lucas sa entertainment press para sa grand mediacon ng pelikulang Unli Life ay halatang kalmado na siya.

Sabi pa niya sa exclusive na interbyu ng PUSH, “Wala na, eh. Nasagot ko na yung mga tanong nila noon about my personal life.”

Ang tinutukoy ni Jon ay ang naging pag-amin niya sa presscon ng isa pa niyang pelikula, ang Dito Lang Ako na meron na siyang asawa at anak.

Eh, ano naman ang naging feeling ng wife niya sa ginawa niyang pag-amin at sa pag-post ng anak nila sa social media?

“Ayun, siyempre masaya kasi lalo kong napatunayan yung pagmamahal ko sa kanilang dalawa,” sabi pa niya.

Susunod naman daw na ilalabas ni Jon ay ang picture ng misis niya.

“Oo, siguro soon.”

Masaya si Jon na naging positibo ang feedback ng ginawa niyang pag-amin.

Aniya, “Oo nga po, eh, sa awa ng Diyos. Actually, hindi ko in-expect na ganun karami yung comments, tapos karamihan pa good comments.

“Basta nanalangin na lang ako na sana kapag nilabas ko ‘to matanggap ng tao at walang masyadong bashers. Sa awa ng Diyos yon naman yung natupad, yon naman yung nangyari.

“Iba na raw po kasi talaga yung generation ngayon, eh, mas open minded na. Mas kaya ng tanggapin yung mga ganun (nagkakaanak) na artista.”

Nagulat din daw siya na umabot ng daang libo ang bumisita sa profile niya sa Instagram.

“Yung profile visit ko nga umabot ng 300 thousand, dumami yung mga nag-stalk sa akin. Para siguro hindi na sila magtanong, para wala na ring bulungan, ayun po.”

Very recently ay nag-guest na si Jon sa Showtime Online para i-promote ang kanyang mga pelikula. Nang tanungin namin kung babalik na ba siya sa Hashtag at sa noontime show, ayon sa kanya, wala pa namang sinasabi.

“Basta okay naman po kami kahit hindi ako makabalik don. Ang importante, eh, magkakaibigan kami lahat po, okay na po yon sa akin,” sey pa niya.

Ayon pa kay Jon, pinuri rin siya ng bida ng Unli Life na si Vhong Navarro sa ginawa niyang pag-amin at pagpapakatotoo.

“Congrats daw kasi nailabas ko na nga, tapos binasa niya raw yung mga comments ng tao at masaya din siya kasi ang ganda ng feedback. At least, nagpakatotoo nga raw ako,” huling pahayag niya sa PUSH.