• Home
  • Fresh Scoops
  • Xian Lim, okay lang na ma-partner sa ibang leading man si Kim Chiu

Xian Lim, okay lang na ma-partner sa ibang leading man si Kim Chiu

Ayon kay Xian Lim, may posibilidad silang magka-pelikula ulit ni Kim Chiu.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/29/2018 9:27 AM
Xian Lim, okay lang na ma-partner sa ibang leading man si Kim Chiu


 

Aprubado kay Xian Lim kung ipartner man si Kim Chiu sa ibang leading man in a movie. Tulad na lang ngayon, Kim is being paired with Dennis Trillo sa pelikuklang One Great Love ng Regal Entertainment.

Huling nagsama sa pelikula sina Kim at Xian sa All You Need is Pag-ibig na ipinalabas noong 2015 Metro Manila Film Festival. After that, nagkanya-kanya na ang dalawa. Bumida si Kim sa Ghost Bride at si Xian naman ay nakasama sina Vilma Santos at Ange Locsin sa Everything About Her.

“Si Kim, she’s a very good actress kahit sino pang makatrabaho niya, she really gives justice to all the roles na pino-portray niya,” simulang pahayag ni Xian sa PUSH.

“And I’m very proud sa kanya dahil hindi siya natatakot. Before kasi parang she’s always safe. Sabi ko, ‘Wag kang maging safe, don’t be too safe.’

“Parang take that leap, take that job and learn from it, kasi pag gusto mo naman yung ginagawa mo makikita ng mga tao, eh,” patuloy ni Xian.

Sa palagay ba niya matatagalan pa ulit bago sila magka-movie ni Kim lalo pa nga’t nasa Viva na siya ngayon at nasa Star Magic ang ka-love team?

Sagot ng aktor, “Hindi naman. Kasi si Boss Vic, pag nakakausap ko, ‘O, paano, gawa na tayo ng pelikula with Kim.’ Sinasabi palagi sa akin ni Boss Vic.

“Ang sabi ko, ‘Sige boss, hintayin ko kayo.’ ‘Sige ha, pasulat tayo, mabilis lang yan.’ Sabi ko, ‘Sige boss, kayo po ang bahala.’

“So I mean, I think mas mataas yung chance. Kami naman naghihintay lang, naghihintay lang kami ng materyal.”

Eh, ano bang materyal ang gusto nilang gawin?

“Nagpag-usapan namin before ni Kim na parang it’ll be nice kung may isa kaming pelikula sa istilo ni Direk Irene (Villamor ng Sid & Aya movie). Napag-usapan namin yon.

“Sa tingin ko, makadagdag yun ng different flavor sa dynamics namin dahil siguro nakasanayan ng mga tao na makita sa amin na chummy-chummy, bubbly-bubbly. Maybe yung deeper and more subtle approach,” pahayag pa niya.

Hindi ba niya nami-miss ang magteleserye sa ABS-CBN?

“Okey naman. I mean, para sa akin I’m just waiting for work and yung project na malapit sa puso ko, something na parang…

Kasi pag gumawa ako ng isang project katulad nung The Story of Us, buong puso kong binibigay. Yung something worthwhile na parang mabubuhos ko talaga yung buong pagkatao ko. Ganun ako magtrabaho,” reaksyon ni Xian.