• Home
  • Fresh Scoops
  • 'Split Queen' na si Mystica, nanawagan kay Coco Martin para tulungan siya

'Split Queen' na si Mystica, nanawagan kay Coco Martin para tulungan siya

Inamin ng dating sexy performer na hirap siya ngayon sa kanyang pamumuhay.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/29/2018 5:14 PM
'Split Queen' na si Mystica, nanawagan kay Coco Martin para tulungan siya


Photo credit: @mr.cocomartin on IG

 

Emosyonal na humihingi ng tulong ang  dating sexy performer na si Mystica sa “Ang Probinsyano” lead actor na si Coco Martin.

Sa naging panayam ng PUSH at ABS-CBN news sa inuupahan na bahay ni Mystica sa General Trias Cavite,  nanawagan ang dating singer na mabigyan din sana siya ng pagkakataon na makabalik sa showbiz.

“Matagal ko na po gustong lumapit, dahil alam ko pong matulungin si Coco Martin e, kaso nahihiya po ako,” malungkot na pahayag ni Mystica.

“Pagkatapos ko po kasing kutyain ng mga tao after the Duterte Viral Video, ayaw ko na po na umaga, tanghali, gabi na puro negative comments nanaman, which is ganun na po ang nangyayari ngayon, mag mula ng mag post ako ng tulong sa Facebook,” ani Mystica.

Gaya nina Whitney Tyson at CJ Ramos na nabigyan ni Coco ng trabaho sa kanyang teleserye, hiling din ni Mystica na sana bigyan din siya ng actor-director ng pagkakataon.

“Sana naman po ay bigyan ako ng pagkakataon, kasi yun na lang po ang natatanging kayamanan ko, yung talent ko,” emosyonal na kuwento ni Mystica.

Hindi na rin daw importante kay Mystica ngayon ang sasabihin pa ng ibang tao.

“Hindi na po importante, kung ano yung mga negative comments ng tao sa akin,dahil ang kailangan ko nalang po ngayon ay ‘yung ipakita na hangga’t nabubuhay po ako, hangga’t kaya ko pang bumalik sa showbiz,” pahayag pa niya.

Sa ngayon, tanging pagtitinda na lamang ng fried chicken ang ikinabubuhay ng dating 90s novelty singer.