• Home
  • Fresh Scoops
  • Nonong Ballinan, sinabing hindi gusto ng ama niya noon ang pagiging komedyante niya

Nonong Ballinan, sinabing hindi gusto ng ama niya noon ang pagiging komedyante niya

Nonong Ballinan: “Dati wala akong pangarap.”

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/29/2018 9:03 AM
Nonong Ballinan, sinabing hindi gusto ng ama niya noon ang pagiging komedyante niya


 

Sa Tonight with Boy Abunda, sinabi ng komedyanteng si Nonong Ballinan na nagawa na din niyang magpatawa kahit na brokenhearted siya. “Meron akong partner nun tapos nakunan siya.” 

Kasama rin dito yung hindi pagsang-ayon ng Tatay niya na isang engineer sa pagko-comedy niya. “Tapos nung panahong nagsisimula ako sa standup ay yung tatay ko ayaw niya ng comedy. Parang tipikal na magulang din na gusto niya sumunod ako sa yapak niya.”

Tinanong diumano siya ng Tatay niya ng “’Kumikita ka ba ba diyan?’ Na masakit kasi ito na ang passion ko e. Dati wala akong pangarap.”

Loyal din daw si Nonong sa kanyang girlfriend of two years na si Reg dahil, “galing po ako sa broken family at nararamdaman ko nung bata ako kung gaano kahirap yung maraming komplikado sa buhay.”

Plano din nila ni Reg na mag-travel at mag-ipon bago magpakasal.