• Home
  • Fresh Scoops
  • Kakai Bautista, nagsimula ng mag-invest sa negosyo at sariling bahay

Kakai Bautista, nagsimula ng mag-invest sa negosyo at sariling bahay

Lubos din nagpapasalamat si Kakai Bautista, lalo na sa ABS-CBN sa lahat ng proyektong natatanggap.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/29/2018 2:30 PM
Kakai Bautista, nagsimula ng mag-invest sa negosyo at sariling bahay


 

Kahapon, Agosot 28, sa grand opening ng kaniyang bagong business partnership na Nail Lounge By: Asia’s sa Riverside Arcade, Pasig, ibinahagi ng ‘Dental Diva’ Kakai Bautista ang tuwa at pasasalamat niya sa mga proyekto sa mga nakaraang taon at sinabing nakapagsimula na siya ng investments. Bukod sa kakabukas na nail spa, nakabili na rin si Kakai ng lupa na pagtatayuan niya ng sariling bahay.

“Thank you Lord, kasi hindi ko ine-expect na matatapos agad iyon (lupa). Siyempre, tayo (mga artista), hindi (naman) tayo stable sa pag-aartista, ‘di ba? Hindi natin sure kung lulubog ba ang bituin o mas tataas pa. So hangga’t kaya pa, hangga’t mainit pa ang katawan, invest lang nang invest.” 

“At thank you sa maraming pagkakataon, maraming pelikula at mga shows. Mostly kasi ng ginawa ko from past years, puro Star Cinema na movies at sunud-sunod din. So malaking tulong ‘yun para sa kin.”

“Nagpapasalamat ako lalo na sa ABS-CBN kasi grabe din ang mga opportunities na binigay nila sa akin,” sabi ni Kakai, na magse-celebrate ng 40th birthday sa darating na Linggo.

 

 

Barbara and WANDERBRA🌈 I always wanted to be named or called Barbara in a Film, A teleserye or a Musical. Hindi ko alam I fancy that name! And here it is, I AM BARBARA. Iba si LORD no? HIS TIMING IS ALWAYS PERFECT!!! I am GRATEFUL and ESTATIC to introduce to you, WANDER BRA! Ang unang SUPERHERO na lilipad ngayong TAON. 🧚‍♀️ With @myrtlegail As Wanderbra my AlterEgo. I am so happy we had the chance to work together again! You will always be my baby smyrts ha! I love you!!❤️ Lucky to be working with the one and only GINA PAREÑO. Grabe @gardo_versoza @akolassy @wackykiray #zuescollins @kiraycelis And @brian_gazmen Directed by @joventan8 , produced by @bluerockentertainment and will be distributed by @viva_films #WANDERBRA Sept. 12 LILIPAD NA!!!!!!!!!🧚‍♀️🧚‍♀️🧚‍♀️🧚‍♀️ *you don’t need superpowers to be a superhero, you just have to BE YOURSELF and have the COURAGE to CHANGE the WORLD! #ToGODbeTheGlory #confidenceispower #LiveBoldly #Dentaldiva

A post shared by Catherine Bautista (@ilovekaye) on

 

 

Sa ibang balita, bibida si Kakai sa isang comedy-superhero movie na Wonder Bra. Kasama si Myrtle Sarrosa, ang pelikula ay mapapanuod sa September 12. Ito ay mula sa direksyon ni Joven Tan.

Ayon kay Kakai, masaya siya na sunud-sunod na mga magagandang pelikulang Pilipino ang pinapalabas ngayon sa mga sinehan. 

“Ang saya ng industriya ng pelikula kasi bumabalik ulit ‘yung hype na gumagawa tayo ng mga pelikula na talagang Pinoy. Ang saya na sunud-sunod tapos lahat quality film, lahat masaya, iba-iba ang genre, iba-iba ang tema,” dagdag ni Kakai.