• Home
  • Fresh Scoops
  • It’s Showtime, naglabas ng statement patungkol sa ‘TF’ issue ni Carl Malone

It’s Showtime, naglabas ng statement patungkol sa ‘TF’ issue ni Carl Malone

‘Asawa’ ni Carl Malone, umalma rin sa isyung hindi niya natanggap ang kanyang ‘TF’ sa Tawag ng Tanghalan.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/29/2018 3:52 PM
It’s Showtime, naglabas ng statement patungkol sa ‘TF’ issue ni Carl Malone


Photo credit: Paul Ballano's FB

 

Naunang pumutok ang balitang hindi pa natatanggap ng dating Tawag ng Tanghalan contestant na si Carl Malone Montecido ang kanyang ‘TF’ nang mag-post sa social media ang director na si Paul Ballano. Ayon sa kanyang post, naawa ang director nang makita ang sinapit ng singer kahit na may napanalunan ito at umabot pa sa grand finals. Ayon sa kanila, hindi daw nakuha ang kanyang TF (talent fee) dahil may mga kailangan pang mga papeles.

Nai-post din niya ang usapan ng isang ABS-CBN employee noong nakaraang taon ngunit hindi gaanong sumagot ang empleyado.

Mabilis namang umaksyon ang Kapamilya network at nilinaw na matagal nang nai-release ang TF ni Carl Malone ngunit wala umanong kumukuha. Sa panayam din ng PEP kay Direk Paul, agad din umaksyon si direk Laurenti Dyogi.

“Isa sa mga umaksyon nito ay si Direk Laurenti Dyogi, assured na aasikasuhin ito and they did. They were saying na hindi two years bago nakuha ang prizes. May balance lang daw sa mga TF nung bata from TV shows and mall shows yata. Authorization letter na lang ang hiningi nila para makuha na yung TF ni Carl.” 

Matapos maging viral ang post ni Direk Paul ay nag-komento ang ‘asawa’ ni Carl Malone at pinabulaanan niya ang mga pahayag ni Carl Malone at ng kanyang nanay. Ayon sa kanya, nagpapa-awa lamang sila.

Kanya ring sinabi na siya’y buntis at walang nakukuhang suporta mula sa ama ngunit okay lamang daw ito dahil ‘blessing’ ang bata.

Sa huli ay nasiyahan naman ang netizens at si direk Paul nang makuha na ng pamilya ni Carl Malone ang kanyang TF.

Samantala, nagbigay naman ng statement ang pamunuan ng It’s Showtime regarding sa issue. 

Ayon dito, naibigay na ang premyo ni Carl, “May unclaimed TF siya, yes, pero ito ay dahil ang resibo niya ay nasa kanya at gusto niya sila ang mag-claim. We offered for the longest time na magka-authorization na lang pero ayaw ng finance na kami so need ng kamag-anak. Nasa tito na ang authorization for the longest time pero di niya maharap kunin. As of today, nakuha na ang pending TF sa cashier, all TV TFs na unclaimed since 2017.” 

Dagdag pa rito, may mga pending pa na TF si Carl mula sa ilang mall shows dahil napaso na ang cheke dahil sa hindi niya pag-claim dito.