• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Jairus Aquino, aminadong may isyu sa pag-portray ng gay role

EXCLUSIVE: Jairus Aquino, aminadong may isyu sa pag-portray ng gay role

Ipinaliwanag ni Jairus Aquino kung bakit mahirap para sa kanya ang tumanggap ng gay role

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/29/2018 9:33 AM
EXCLUSIVE: Jairus Aquino, aminadong may isyu sa pag-portray ng gay role


Photo credit: @dothejairusaquino on IG

 

Malaking isyu pala noon kay Jairus Aquino ang tumanggap at mag-portray ng gay role sa telebisyon at pelikula.

Ito ang inamin ng binata nang makausap siya ng PUSH pagkatapos ng red carpet premiere ng pelikulang Petmalu sa SM Megagmall Cinema 7 kung saan ginagampanan niya ang karakter ni Lester na isang gay.

“Mostly TV po talaga. Hindi naman sa tinanggihan ko dahil ayokong gawin, it’s just that I’m not ready,” pag-amin ni Jairus.

“Siyempre, nakakatakot naman po yung tatanggapin mo tapos at the end of the day hindi mo mabibigyan ng justification, sa akin naman po yung sira no’n, di ba po?

“Talagang tinantya ko muna, until sabi ko, sige gagawin na, total yung binigay naman ni Direk Joven (Tan) is parang nasa level one to five pa lang naman. Pero nag-e-escalate during the movie, eh, tumataas po, di ba?

“Sabi ko, sige, bakit hindi ko subukan total artista tayo, eh, we have to do something different for ourselves,” dire-diretso pa niyang pahayag

Na-convince ba naman niya ang sarili habang pinapanood ang Petmalu sa performance bilang bading?

“Nagulat po ako don sa outcome ng movie na what I did was, for me ha, okey naman po pala kasi di ko priniview noon. Hindi naman sa ano, pero for sure I could have done better pa kasi there’s always room for improvement naman.

“I was convinced for myself. Hindi ko naman masabi na sobrang galing ko don, na yon yung pinaka-best ko, pero somehow, for a first timer, parang kahit papaano I did my best talaga and I did everything that I can sa role na yon,” lahad ng binata.

Eh, bakit nga ba hindi siya komportable sa gay roles?

“Actually, hindi po talaga. Marami na pong inqiuiries sa akin for gay roles. Pero sabi ko, parang hindi pa ako… hindi ko alam kung nandon na ba yung… kaya ko na ba? Kung alam ko na ba kung paano sila gumalaw and everything. Kung kaya ko na bang i-portray.

“Pero somehow, sabi ko, parang I want to be something else sa industriya na ito. I want to prove something or be something, matuto and I have to do something na hindi ko rin alam,” paliwanag niya.

Ready na siya sa mas marami pang gay roles na iaalok sa kanya?

Aniya, “Hindi naman like, ganung role na dire-diretso. Pero open na akong tumanggap kasi parang okey naman.

“Kasi yung ganung klaseng role, meron pa rin pong different atake o pattern, eh. Like mahinhin, may bigay na bigay, may sobrang todo, so parang hindi ko pa po alam kung ready na ba ako do’n sa todo na parang open na open.

“O baka dito lang muna sa mahinhin. Pero eventually, siguro darating naman po na matututunan ko lahat,” diretsahan niyang sagot.

Kasamang bida sa Petmalu ni Jairus sina Diego Loyzaga, Vitto Marquez, Michelle Vito, Marlo Mortel, CK ng Hashtags at marami pang iba. Palabas na ang pelikula sa September 5.