• Home
  • Fresh Scoops
  • What made Daniel Padilla and Kathryn Bernardo admit their relationship?

What made Daniel Padilla and Kathryn Bernardo admit their relationship?

Alamin din ang ‘best gift ever’ na natanggap ni Kathryn mula kay Daniel.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/28/2018 4:37 PM
What made Daniel Padilla and Kathryn Bernardo admit their relationship?


Photo credit to: @_magandangbuhay IG

 

Sa episode ng Magandang Buhay, August 28, ikinuwento ni Daniel Padilla ang pag-amin niya sa press conference tungkol sa estado ng kanilang relasyon ni Kathryn Bernardo. Kamakailan ay inamin ng dalawa sa The Hows of Us Media Day na mahigit limang taon na silang magkasintahan.

Sabi ni Kathryn, "Pero ever since parang open-secret sa lahat, kinonfirm lang, pero alam naman nila… Sinabi niya (Daniel Padilla) noong press con kasi nga paulit-ulit nila tinatanong parang minsan hindi mo alam kung paano iibahin na naman 'yung sagot.”

“Parang pangit na ito kung idi-deny na naman eh 'yun na, 'yun na lang ang kulang. I think ikinasaya naman ng lahat," paliwanag ni Kathryn.

READ: Daniel Padilla and Kathryn Bernardo admit to being in a more than five year relationship

Sa parehas na episode, ibinahagi rin ng love team ang Thailand trip nila noong Marso. Ayon sa dalawa, matagal na nilang pinlano ang nasabing bakasyon lalo na’t pangarap ni Kathryn na bisitahin ang Elephant Sanctuary sa Chiang Mai, Thailand.

 

 

“Matagal ko nang sinasabi ko sa kanya ‘yun na please punta tayo kasi dream ko talaga (yun),” sabi ni Kathryn.

“(Kaya) after La Luna Sangre, binisita na namin yung Elephant Sanctuary sa Chiang Mai, sa Thailand,” dagdag naman ni Daniel.

Kasama rin nila ang mga kaibigan na sina Joe Vargas at Bianca Pauline sa nasabing Thailand trip, na tinuturing ni Kathryn bilang ‘best gift ever!’

 

 

Pagbibidahan ng KathNiel ang bagong pelikula mula sa Star Cinema, The Hows of Us, sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina. Ipapalabas na ito sa mga sinehan sa August 29.