Sarah Geronimo nagpasalamat sa success ng Miss Granny

Matapos ang pelikula isang sorpresang proyekto din ang nakatakdang gawin ni Sarah G.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/28/2018 2:05 PM
Sarah Geronimo nagpasalamat sa success ng Miss Granny


 

Ginulat ni Popstar Royalty Sarah Geronimo ang mga ticket buyers ng Miss Granny movie sa Trinoma cinema noong Lunes ng hapon, August 27.

Bahagi ito ng theater tour ni Sarah bilang pasasalamat sa patuloy na pagtabo sa takilya ng kanyang pinagbibidahan na pelikula kasama sina Xian Lim at James Reid.

“Wala akong masabi, sobra lang po akong masaya sa mga nakikita ko po na good reviews, Bonus nalang po na may mga manunuod pa,” sabi pa ni Sarah sa PUSH at ABS-CBN News.

 

 

Aminado si Sarah na hindi naging madali ang proseso ng kanyang pagganap sa kanyang role bilang Miss Granny.

“Malapit po kasi sa puso ko yung mga (lola) old soul po kasi ako so medyo nalapit ng konti doon yung personality ko po,” sabi pa ni Sarah.

Kasunod ng success ng pelikula, sinabi ni Sarah na magkakaroon siya ng isang concert tour. 

Sa ngayon umabot na sa higit kumulang 60 Million pesos ang kinita ng pelikuka na idinirek ni Joyce Bernal.