Paulo Avelino, gusto nang magpahinga sa showbiz

Paulo Avelino: ‘Hindi tayo tumitigil para hanapin ang sarili natin.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/28/2018 11:00 AM
Paulo Avelino, gusto nang magpahinga sa showbiz


 

Sa ulat sa TV Patrol, sinabi ni Paulo Avelino na hindi totoong chickboy siya katulad ng pino-portray niyang role ng bayaning si Gregorio De Pilar. “Yun nga yung hindi ako maka-relate na part e. So kinailangan kong magbasa ng maraming libro, kinailangan kong sumama kay Jake Cuenca para makita kung anong ginagawa niya.”

Nag-announce si Paulo na gusto na niyang magpahinga sa showbiz. “Ang hirap kasi na hindi mo nagagawa yung mga gusto mong pelikula. Gusto kong gumawa ng mga projects at my own pace. Ayoko ng nape-pressure sa schedule ko, lagari. Mas gusto ko relax lang.” 

Nagbiro din si Paulo ng tanungin siya kung may plano na siyang magpakasal. “Grabe naman kayo ang bata ko lang e. Kaka-22 ko lang e.”