Darren Espanto, balak mag-lie low sa pagkanta?

Kinabahan daw si Darren Espanto sa kanyang unang acting project.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/28/2018 11:07 AM
Darren Espanto, balak mag-lie low sa pagkanta?


 

Wala daw sa plano ni Darren Espanto ang talikuran ang kanyang singing career ngayong sumabak na siya sa acting sa The Hows of Us kasama ang KathNiel love team.

 

 

#TheHowsOfUs, August 29 in cinemas nationwide. #THOU

A post shared by Darren Espanto (@darrenespanto) on

 

Kuwento ni Darren sa naganap na media conference ng upcoming KathNiel movie, “Well for me singing will always be my passion, my first love ko po.” 

Aniya, nais niyang pagsabayin ang pagkanta at pag-arte kung muling mabibigyan ng pagkakataon.

“Siguro kind of juggle them kung may project na ganito, doon muna talaga mag focus,” ani ng Kapamilya singer.

Pagdating naman sa kanyang pagkanta, aminado si Darren na malaking adjustment ang kanyang ginawa ngayon pagdating sa pagbirit.

“Well I still sing some of the songs po na kinakanta ko dati, it’s just adjusted down minsan one key down, ganun po.

“Pero kasi ako din po, I don’t really rest long. Yung singing voice ko po palagi po akong kumakanta, and that’s something I’m happy about. Like hindi po bigla bumaba ang boses ko,” sabi pa ni Darren.

Nagbabago man daw ang kanyang boses ngayon, masaya ang singer na naabot pa din niya ang mga mataas na tono na kinakanta niya noon.

 

 

“I’m still happy na nakakabirit pa din po ako ng mataas and still not in the range ng male singer talaga.

“Parang kahapon, bumibirit ako ng sobrang mataas and ngayon biglang ang baba na, so that’s something I’m happy about parang gradual ang pagbaba niya,” pahayag pa ni Darren.