• Home
  • Fresh Scoops
  • Morisette Amon, nawalan ng boses dahil sa pagiging workaholic?

Morisette Amon, nawalan ng boses dahil sa pagiging workaholic?

Aminado si Morisette na nag-panic siya nang mawalan siya ng boses bago ang kanyang concert sa Dubai.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/27/2018 9:06 AM
Morisette Amon, nawalan ng boses dahil sa pagiging workaholic?


Photo credit to: @itsmorissette IG

 

Isa sa very unforgettable moment sa career ni Morissette Amon bilang singer ang mapaos at mawalan ng boses bago magsimula ang concert niya sa Dubai na nangyari kamakailan lang.

Pakiramdam ni Morissette,  maaari daw na hindi na kinaya ng katawan niya ang kabibiyahe sa iba’t ibang bansa kaya nawalan na siya ng boses.

Kwento ni Morissette,  “Naniningil na po yung katawan ko sa kaka-travel ko. For the past weeks I’ve been traveling, I came from Canada, Australia, Hawaii.  So feeling ko nung Dubai naniningil na siya, although hindi ko naman napi-feel na nai-stress ako dahil nag-i-enjoy naman ako.”

Magkaganun man, itinuloy pa rin daw niya ang concert.

"It’s probably yung pinaka-challenging na nangyari sa akin kasi kailangan kong maging mabilis, eh.  I couldn’t be selfish at that time, I really had to consider like yung production who make the show lalung-lalo na yung mga taong nagbayad para lang makapanood,” sey pa ng singer.

Eh, ano ba ang pumasok sa isip niya nung naramdamang nawala ang boses niya?

“Actually, wala po akong naisip kasi nag-panic na po ako,” reaksyon niya.

“Kasi first time pong nangyari sa akin, na ganung kalaking concert tapos out of the country pa. Hindi namin naging option na dapat wala nang show, so naghanap kami ng paraan.

“And grateful naman ako kasi the whole team was very supportive naman. Nabigyan naman ng medications, steroids, and I was able to survive the whole show,” dugtong ni Morissette.

Inamin ni Morissette na after her concert, nakabasa siya ng mga negative feedbacks at naiintindihan naman daw niya yon.

“After nung concert, tiningnan ko talaga yung comments and most were ano naman, positive but you couldn’t help na merong nabasa pa rin ako na mga na-disappoint.

“Kasi siyempre, ang ini-expect nila ay yung todo na concert ko, yung bumibirit talaga, kaso wala, may mga moments talaga na may mga ganung nangyayari kaya sana I will be able to make up with them,” sambit niya.

Itinanggi naman ng dalaga na meron siyang inaapurang bilhin kaya sobra ang pagiging workaholic niya ngayon.

“Ay, wala po. Wala naman. I think,  the way ay I see it, hindi naman po ako nagmamadali, na like, kunin lahat. Kasi ako, ini-enjoy ko lang naman po lahat.

“I’m just grateful lang po sigur na they (concer producers) trust me to their show sa iba’t ibang places.”

Masaya naman ang ASAP Birit Queen singer na makakasama niya for the firs time sa isang concert billed A Lani Morissette – Musical Journey ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha.

"It’s an honor for me to be able to be collaborating with Miss Lani and getting to work with her so far, sobrang humbling experience kasi napaka-humble din po niya,” huling pahayag niya sa PUSH.