MayWard thankful sa kanilang Wansapanataym experience

Maymay Entrata at Edward Barber binisita ng Rated K sa set ng kanilang first solo TV project.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/27/2018 8:40 AM
MayWard thankful sa kanilang Wansapanataym experience


 

Binisita ng Rated K sa set ng Wansapanataym series na Ikaw ang GHOSTo Ko  ang magka-love team na sina Maymay Entrata at Edward Barber, kung saan gumaganap na isang multo si Edward. 

Naikwento ng dalawa kung paano nakatulong ang experience na ito para mapagbuti nila ang kanilang  pag arte. Papuri naman ang natanggap ng magka-love team mula sa kanilang direktor na si Jerry Lopez-Sineneng. 

“Ang sarap sarap katrabaho nung dalawa,” ayon kay Direk Jerry. 

“You know what’s really good about them is yung passion talaga, sobrang mag-aral yung dalawa ng scenes, ng dialogues, ng roles nila,” dagdag pa niya. 

Ang former Pinoy Big Brother housemates ay isa sa mga promising love teams ngayon at halatang masaya silang natututo kina Direk Jerry at sa supporting cast ng Wansapanataym serye. 

“Itong Wansapanataym ito talaga ang naging training ground namin, ang dami kong natutunan, ang dami kong na-improve sa sarili ko,” pahayag ni Maymay. 

 Agree dito si Edward, at sinabing, “Nag improve ang acting skills namin dahil sa experiences dito.”

Mapapanood ang Wansapanataym’s Ikaw ang GHOSTo ko tuwing Linggo pagkatapos ng Goin’ Bulilit