Marlo Mortel nanatiling matatag sa pagpanaw ng ina

Ibinahagi ng singer ang pinagdaanan ng kanyang mommy bago ito sumakabilang buhay.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/27/2018 11:16 AM
Marlo Mortel nanatiling matatag sa pagpanaw ng ina


 

Naging paraan ang social media para maibuhos ni Marlo Mortel ang kanyang nararamdaman sa pagpanaw ng kanyang ina na si Merlie Pamintuan dahil sa cancer.

"Mommy. I can’t believe this is happening. I’m in so much pain. I don’t want to, but I have to let you go. All you ever did was love me and take care of me. I’m sorry for all my shortcomings but thank you for fighting, until your last breath you waited for me. You were almost gone the other night but when I kept on talking to you, you responded and was able to stay with us for 2 more days. We were able to say our goodbyes. But this isn’t goodbye, I know you’re watching over us now. Kahit mahirap, kakayanin namin to ni daddy. Sobrang hirap ng pinagdaanan mo and you may rest now. My love for you is never ending. Si Jesus na ang bahala sayo at sa amin ni daddy. MAHAL NA MAHAL KITA [sic]," mensahe ni Marlo para sa kanyang ina.

Nagpasalamat din si Marlo sa lahat ng nagawa sa kanya ng kanyang ina at naniniwala na kahit mahirapan sila ng kanyang ama na mga naiwan ay kakayanin nila ang paglisan ng kanyang ina.

Naging sandigan din ni Marlo ang panginoon at nagsabing walang katapusan ang pagmamahal sa pumanaw na ina.

Sa statement naman na ipinadala ni Marlo sa ABS-CBN News, komplikasyon ang ikinamatay ng kanyang ina dahil sa cancer.

"Namatay na mainly because of cancer but more on madami na masyadong complications. May pumutok na blood vessel sa may lungs niya nung Tuesday na nag-cause ng internal bleeding kaya doon na siya nagsimulang maging critical," sabi ni Marlo.

"Nawala na siya pero kinausap ko siya ng kinausap kaya nagising pa siya after few hours. Tapos nag-stay pa siya ng 2 days hanggang sa 'di na kinaya. Sobrang naging manas siya tapos tumigil na heart nya," dagdag ng singer. 

2014 nang unang madiskubre ang cancer ng ina ni Marlo.