Gaano na katagal na single si Maja Salvador?

Maja inaming nagka-boyfriend muli matapos ng relasyon niya kay Gerald Anderson.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/27/2018 3:56 PM
Gaano na katagal na single si Maja Salvador?


Hindi itinago o nag-deny ang Kapamilya actress na si Maja nang tinanong kung gaano na siya katagal na single, sa episode ng Magandang Buhay, August 27. Kasama ang kanyang celebrity best friend na si Kakai Bautista, kinumpirma ni Maja na wala siyang boyfriend ngayon. 

 

 

Happy Weekend 💋

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on

 

“Totoo, single (ako). Mga 6 months, going seven?” sabi ng aktres. “Okay, wag nang sabihin kung sino yun. Buti nga umaming 6 months na di ba?” dagdag niya.

Nang tinanong ng mga momshie hosts kung in love ngayon si Maja, sinagot ito ni Kakai agad ng, “Hindi siya in-love. Hindi dapat. Wow?” biro ni Kakai. “Hindi pa, masaya siya sa single life niya e.” kwento ng kaibigang si Kakai.

 

 

1 month to go! See You Soon Kapamilya 💎❤ #MajaOnStageUSTour

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on

 

Kasalukuyang naghahanda ang aktres at performer sa kanyang nalalapit na US Tour Concert, sa September 8, 9 at 14. Kasama sa nasabing concert sina Joseph Marco, Arjo Atayde, Vin Abrenica at Pooh.