Inaliw nina JC Santos at Angelica Panganiban ang kanilang mga kaibigan nang sayawin nila ang trending dance craze na “Bboom Bboom” sa isang kalsada sa Hong Kong.
Nag-post naman si John Lapus ng video at nagulat na kayang kaya pala sumayaw ni JC. Umabot naman na ng mahigit 20,000 views ang video sa loob lamang ng 9 na oras.