• Home
  • Fresh Scoops
  • Janice de Belen may patikim sa ‘The General’s Daughter’

Janice de Belen may patikim sa ‘The General’s Daughter’

Marami na ang nagaabang sa kakaibang kuwento ng upcoming Kapamilya telerserye.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/26/2018 11:47 AM
Janice de Belen may patikim sa ‘The General’s Daughter’


Photo credit to: @super_janice IG

 

Nagkuwento ang aktres na si Janice de Belen nang huli siyang nakapanayam ng entertainment press para sa kanyang bagong proyekto na The General’s Daughter.

“Well nakapag-start na kami ng shooting, naka ilang araw na din ako, exciting siya and medyo kakaiba din ako dito dahil hindi siya mabait,” update ni Janice sa press.

Ayon kay Janice asahan ang kakaibang daloy ng kuwento sa Kapamilya telerserye.

“Combination siya ng heavy drama and action,  and ayun naman ang trend sa ngayon pero maganda siya,” sabi pa ng aktres

Bukod kay Janice, makakasama din sa teleserye sina Ryza Cenon, Angel Locsin at Diamond star Maricel Soriano, Ayon sa aktres kahit siya ay nagulat sa cast ng programa.

“Kahit naman ako noong nag-story conference kami at nakita ko na lahat ng kasali sa cast, sabi ko ‘uy ang laki’ ang laking project, alam mo na it’s really something to watch,” pahayag pa Janice.

Sa ngayon, wala pang detalye kung kailan ipalalabas ang The General’s Daughter.