• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban nangamba mawalan ng trabaho dahil sa traffic

Angelica Panganiban nangamba mawalan ng trabaho dahil sa traffic

Sinabi ng aktres na suko na siya sa traffic sa Pilipinas.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/25/2018 2:49 PM
Angelica Panganiban nangamba mawalan ng trabaho dahil sa traffic


 

Sa kanyang Instagram Stories, ipinost ni Angelica Panganiban ang sitwasyon ng traffic sa Commonwealth, Quezon City at makikitang bumper to bumper ang sitwasyon dito. 

Sa caption ng aktres, sinabi nitong nangangamba siyang mawalan ng trabaho nang dahil dito. 

"Suko na ako Pinas.Sorry," sabi ni Angelica. 

"Kay laking parking lot ng Commonwealth. Free parking daw. Pero mawawalan ka ng trabaho in a while kasi hindi ka makakarating. Unless walkathon. Paano?" dagdag pa niya. 

Busy si Angelica ngayon sa shooting ng kanyang movie na "Exes Baggage" kasama si Carlo Aquino at teleseryeng "Playhouse" kasama naman si Zanjoe Marudo. 

39983990_957586981100720_8326001365532803072_n.jpg