• Home
  • Fresh Scoops
  • Pagsasama nina direk Cathy Garcia Molina at JaDine, posible nga ba?

Pagsasama nina direk Cathy Garcia Molina at JaDine, posible nga ba?

Hindi daw isinasara ng blockbuster movie director Cathy Garcia Molina ang posibilidad na makatrabaho ang JaDine.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/24/2018 12:14 PM
Pagsasama nina direk Cathy Garcia Molina at JaDine, posible nga ba?


 

Hindi daw isinasara ng blockbuster movie director na si Cathy Garcia Molina ang posibilidad na makatrabaho niya in the future ang love team nina James Reid at Nadine Lustre.

Kuwento ni Direk Cathy sa naganap na The Hows of Us media conference nitong Miyerkules, August 22, down to three projects na siya matapos ang kanyang pelikula with Kathryn Bernardo and Daniel Padilla.

“Medyo malabo siya ngayon, LizQuen pa tayo, JoshLia, so mas marami pang love teams na nasa bakuran ng ABS-CBN na siguro ay ipapa-prioritize sa akin,” sabi pa niya.

Paliwanag pa ng direktor, nasa plano muli niya ang bumalik matapos ang pang samantalang break sa trabaho.

“Hindi naman ako aalis ng forever and ever e. Baka malay mo pagbalik ko puwede na kami,” sabi pa ni direk Cathy.

Kung pag-uusapan naman ang muling paggawa niya ng proyekto kasama si John Lloyd Cruz, looking forward din daw ang direktor dito.

“Ako siyempre hundred percent, siya tatanungin natin. Sa ngayon ayaw ko siyang tanungin o madaliin kasi baka lalo siyang ma ano… alam mo yun. Hayaan mo siya,” pahayag pa ng direktor.

Mapapanuod ang The Hows of Us simula ngayong August 29.