• Home
  • Fresh Scoops
  • Mommy ni Kathryn Bernardo, may basbas nga ba sa relasyon ng Kathniel?

Mommy ni Kathryn Bernardo, may basbas nga ba sa relasyon ng Kathniel?

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/24/2018 11:49 AM
Mommy ni Kathryn Bernardo, may basbas nga ba sa relasyon ng Kathniel?


Photo credit to @bernardokath IG

 

Kamakailan lamang ay kinumpirma na nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na may limang taon na silang magkasintahan. Nang makapanayam naman ng ABS-CBN News ang nanay ni Kathryn na si Min Bernardo, kinuwento naman niyang maging siya ay nagulat nang unang umamin sa kanya si Kathryn.

 

"Oo naman, siyempre may blessings. Before 'yong anak ko sumagot... Ay, no, nakasagot na pala siya saka niya sinabi sa akin. Nagulat ako pero siyempre, alam ko naman na nagko-court si Daniel. Pero, wala eh, sinagot na niya, puwede bang bawiin?" aniya.

 

Dagdag pa niya ay pinapayuhan din niya si Kathryn tuwing may hindi sila pinagkakaunawaan ni Daniel.

 

"When it comes sa relasyon nila, lagi silang nag-aaway niyan, lagi ko sinasabi, huwag sila maghihiwalay or huwag sila matutulog nang magkaaway sila. I-settle nila 'yon before sila maghiwalay.”