Sa Facebook page ni Marlo Mortel ay ibinahagi ng aktor-singer ang mga huling text conversations nila ng inang si Merlie Pamintuan. Pumanaw ang ina ni Marlo, Biyernes, Agosto 24 sa sakit na kanser.
READ: Marlo Mortel’s mom passes away
Ani ni Marlo sa post niya, gagawin niya ang kanyang best para maging proud sa kanya ang ina.
Matatandaan na naging vocal si Marlo sa pinagdadaanang sakit ng kanyang ina. Noong 2015, inamin ng aktor na may sakit ng breast cancer ang kanyang ina.