• Home
  • Fresh Scoops
  • Jericho Aguas, may pakiusap sa nanay ng ex-wife na si Isabel Granada

Jericho Aguas, may pakiusap sa nanay ng ex-wife na si Isabel Granada

Inamin ni Jericho Aguas na noong una ay wala daw siyang balak magpakasal muli.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/24/2018 9:36 AM
Jericho Aguas, may pakiusap sa nanay ng ex-wife na si Isabel Granada


 

Inamin ni Jericho Aguas sa PUSH na wala na talaga siyang planong pakasalan ang girlfriend na si Jaycee Parker. Si Jericho ay dating asawa ng namayapang singer-actress na si Isabel Granada.

“Wala na. Wala na talaga. Actually, nung first few months ng relationship namin ni Jaycee, sabi ko mag-anak na lang kami. No, wala talaga,” pag-amin ng dating commercial model.

Katulad ng sinabi ni Jaycee sa hiwalay na interbyu ng PUSH, ang pagiging Christians nila (member ng Victory church) ang dahilan kung bakit sila nagdesisyong magpakasal.

“Bago naman mamayapa si Isabel, eh, everybody is on good terms. And actually, nagdi-dinner kami together, everybody. So, everybody’s okay.

“Pero hindi ko iniisip (na magpakasal ulit), eh. Never kong inisip na aabot talaga dito sa bagay na ito,” patuloy niyang kuwento.

Malaking factor ba ang previous marriage niya kay Isabel sa desisyon niyang huwag na sanang pakasalan si Jaycee at mag-live-in na lang sila?

Sagot niya, “Yes, definitely. Ayoko na. Parang sabi ko, hindi na ako naniniwala sa kasal.

“Eh, kami nga kinasal, apat-apat pa yung pari, tapos (after) 12 years, naghiwalay kami.”

Na-trauma ba siya sa unang kasal?

“Iba siya. Ibang klase. Kasi alam mo, marami akong pagkakamali. Pero yung pagsasama namin ni Isabel, eh, maganda rin ang nangyari.

“Ang ibig kong sabihin, minahal ko din siya. Pero lagi kong sinasabi at sinasabi ko rin yan kay Jaycee, sabi ko, ‘magsisinungaling ako kung sinabi ko sa yo na hindi ko minahal si Isabel.’

“Minahal ko siya. Nagkaroon kami ng Hubert (Thomas). Nagkataon, hindi kami siguro talaga click. Ganun siguro. But it doesn’t mean na pag hindi kayo click, eh, hindi mo siya minahal,” depensa niya.

Eh, paano ba tinanggap ni Hubert ang muli niyang pag-aasawa?

“Si Hubert naman, a few months lang nung si Jaycee ay tumira na sa amin sa Angeles, agad naman niyang tinanggap talaga. Nagpapasalamat nga ako sa anak ko, very much supportive and agad niyang minahal. Mas close pa nga siya minsan kay Jaycee.

“Meron silang… pag yung mga crush-crush niya sa school kay Jaycee niya kinuwento hindi sa akin,” pahayag ni Jericho na medyo natatawa.

Ipinagpasalamat din ni third-termer councilor sa Pampanga na binigyan ng importansya ni Jaycee sa kanyang wedding vows ang kanyang anak.

Aniya, “I’m very, very happy. And how many years, for around 12 years kami ni Isabel… Iba, ayoko namang maging mali. I’m sure, tama na lahat ‘to.

“Gusto ko actually maging good example talaga sa anak ko. Kaya lagi kong sinasabi sa kanya na lahat ng mga nakita niya, na mga maling ginawa ko, huwag na rin niyang gawin.

“Of course, I regret. Marami akong pinagsisisihan at ngayon wala na, ayoko na lahat gawin ang mali. Alam ko na, eh, nakita ko na, eh.”

Eh, kumusta naman ang relasyon niya ngayon sa nanay ni Isabel na si Mommy Gwapa? May communication pa ba sila?

“Yes. She’s very okay. Andito siya. Hindi naman siya umalis. Hindi siya natuloy. I’m taking care of her, yes,” balita niya sa amin.

Obvious din daw ang dahilan kung bakit hindi na ito nagpunta sa kasal nila ni Jaycee sa Bacolor, Pampanga.

“Well, of course… Pero nag-usap kami kasi may konting sentiment siya. Very small sentiment kasi mini-message niya yung anak ko.

“Sabi ko, ‘Mama, huwag mo namang i-message ng ano kasi nalilito si Hubert. Please be happy for me. Pray for me, sabi ko sa kanya, pray for good things in my life. Ipagdasal mo na maging masaya ako.’

“Pag naging masaya ako… I mean, kasi tinutulungan ko siya. Hindi naman sa binubuhay, pero sometimes nagsu-support ako. Tinutulungan ko sila sa bahay nila,” sambit pa niya.

Nakiusap si Jericho na i-off the record na namin ang mga sumunod niyang kuwento. Baka raw kasi ma-misinterpret ng iba at may ma-offend siya na ’di naman niya sinasadya.