• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Kakai Bautista, nag-react sa balitang first day-last day lang ang ‘Harry and Patty’

EXCLUSIVE: Kakai Bautista, nag-react sa balitang first day-last day lang ang ‘Harry and Patty’

Kakai Bautista, masaya makatrabaho ang dati pa niyang idol na si Gardo Verzosa.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/24/2018 9:30 AM
EXCLUSIVE: Kakai Bautista, nag-react sa balitang first day-last day lang ang ‘Harry and Patty’


 

Hindi naiwasang mapangiti ni Kakai Bautista sa tanong namin sa kanya kung totoong nangongolekta siya noon ng sexy posters from magazines ng co-star niyang si Gardo Verzosa sa pelikulang Wander Bra.

“Ay, sobrang fan ako. Ang bagets ko pa nung Machete niya, pero na-amaze ako sa story niya kasi grabe din ang pinagdaanan nung tao, aminin mo,” kinikilig niyang pagtatapat sa PUSH.

Na-amaze ako kay Tito Gardo kahit yung mga team-up nila ni Ms. Rita (Avila), di ba? Ang ganda ng mga pelikula nila. Pero yung Machete sobrang ganda ng pelikulang yon. Isa yon sa pinaka-favorite kong lumang pelikula na seksi,” patuloy ng singer-comedienne.

Eh, ano ba ang hinahangan niya sa dating hunk actor ng Seiko Films?

“Ang lakas talaga ng appeal niya. Sabi ko nga sa kanya nung nakita ko siya, ‘Ang guwapo mo pa din, Tito Gardo.’ Iba yung mata niya at saka kapag nagsalita, ang ganda. Tapos charming, ang ganda pa ng kulay, di ba?

“Nakikita ko na siya dati. Meron kaming parehong party na pinuntahan o okasyon pero hindi kami nakapag-work together. Eh, dito sa Wander Bra, sobra… kasi uncle ko siya dito, eh. Ang hirap ng mga eksena namin ni Tito Gardo, pisikalan. Ang galing niya talagang umarte,” she said.

Biglang naging seryoso ang usapan namin ni Kakai when we asked kung ano ang reaksyon niya sa naging resulta ng previous film niyang Harry and Patty na ayon sa ilan ay nag-first day, last day sa mga sinehan?

“Ay hindi, hindi totoo yung first day last day. I think, hindi lang sa Manila, pero sa totoo lang ha, sabi nila wala na raw, pero napanood pa nila.

“Hindi siya tumagal sa mga sinehan, pero hindi siya first day last day. Hindi ako naniniwala na walang gustong manood. I think it’s because konti lang yung sinehan namin and it was not really pushed nang malala or something,” giit ni Kakai.

Dagdag niya, “Kasi nung panahon na pinapalabas kami, everybody is busy with Cinemalaya, everybody is busy with PPP.

“May kurot ako, oo, but on the brighter side, I’m happy with the result. Technically, yung result, I mean, it was never a blockbuster, but for me, yung mga sinasabi ng tao about the movie ay puro magaganda.

“Not all movie na hindi pinanood ng tao ay may feedback na maganda. Every review na binasa namin, ang saya, they loved it, and I think sapat na yon para sa akin,” paliwanag pa niya.

Pressured ba siya sa muling pagbibida sa Wander Bra sa kabila ng nangyari sa last movie niya?

“Hindi ako na-pressure. Life goes on, di ba? Alam kong binigay ko yung lahat ko doon sa Harry and Patty and alam ko din na yung lahat binigay ko dito sa Wander Bra. So ganun talaga, eh.

“Sabi ko nga, there are things that we cannot control. Only God knows, di ba? At lahat may rason. Pero yung chance na lang na magbida kami sa pelikula, ginastusan yon. Yon nga lang, may mga bagay na hindi natin talaga makokontrol, but for me it was one of the best experiences,” huling pahayag ni Kakai sa PUSH.

Ang Wander Bra ay pinagbibidahan din nina Myrtle Sarrosa, Zeus Collins, Kiray Celis at marami pang iba. Ipapalabas na ang pelikula sa September 12 na sinulat at idinirek ni Joven Tan.