Darren Espanto, proud sa kanyang acting achievement

Looking forward din si Darren Espanto na makatrabaho ang kanyang The Voice Kids coach na si Sarah Geronimo.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/24/2018 12:03 PM
Darren Espanto, proud sa kanyang acting achievement


 

Isang bagong achievement para kay Darren Espanto ang simulan ang kanyang acting career sa pelikulang The Hows of Us kasama ang KathNiel tandem.

Aminado si Darren na major adjustment ang kanyang ginawa at nanibago siya sa unang araw ng shooting

It’s very different from singing and I’m very grateful and I’m very happy sa first acting gig ko po sila po agad. Kasama ko sina direk Cathy, KathNiel the whole cast and I’m glad I get to work with them,” sabi pa ng young Kapamilya singer.

Gaganap si Darren bilang kapatid ni Kathryn na may karamdaman. Aniya karamihan sa kanyang eksena ay kinunan pa sa ibang bansa.

Ayon kay Darren, nasa plano niya ang palawakin niya ang kanyang acting career.

“I’d like to do it again kung makakapag-workshop ako. Kasi hindi po ako nakapag-workshop. I guess mas maho-hone ko 'yung pag-acting din,” ani Darren.

At kung mag tutuloy-tuloy na ang acting career ni Darren naglista na siya ng gusto niyang makasama sa mga proyekto.

“Sana makatrabaho ko 'yung coach ko nung 'The Voice Kids,' si Ate Sarah Geronimo,” pahayag pa ni Darren.

Mapapanuod ang The Hows of Us ngayong August 29 sa direksyon ni Cathy Garcia Molina.