Kit Thompson, nagsalita sa ‘marijuana issue’

Balik showbiz si Kit Thompson pagkatapos ng tatlong taon.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/23/2018 10:43 AM
Kit Thompson, nagsalita sa ‘marijuana issue’


 

Balik-Pilipinas na ang dating Pinoy Big Brother teen housemate na si Kit Thompson na three years ding nanirahan sa Amerika kasama ng kanyang pamilya.

Kasama ang 21-year-old hunk sa pelikulang The Hows of Us na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla under the direction of Cathy Garcia Molina.

Ayon sa binata, nag-aral siya ng acting sa New York kaya siya umalis ng bansa noon. Madalas daw kasi siyang tawaging bano sa acting noon kaya nagpursige siyang matuto.

“Oo naman, sobrang bano ko no’n, aaminin ko yon. Wala akong alam, eh, wala talaga. I started out as extra na biglang sinalang, biglang nagkalinya, hindi ko ma-deliver ang linya,” kuwento niya sa PUSH pagkatapos ng presscon ng kanilang pelikula.

Patuloy na kuwento ng binata, “I guess, I could say, like noon very minimal ang knowledge ko about acting and now, I feel like mas more passionate ako sa ginagawa ko.

“Kit Thompson before was, I guess, was like had more questions that need to be answered. Parang studying helped me a lot to be more confident sa sarili.

“Yung mga tanong ko dati, when I watched these good actors, paano nila ginagawa yon. And I’m just like, ‘ang galing, sobrang galing,’ paano ba ako makakarating doon?”

Hiningi na rin namin ang side ni Kit sa isyu noon sa kanya tungkol sa “illegal possession of marijuana” na ayon sa report ay siyang totoong dahilan ng bigla niyang pag-alis sa Pilipinas.

Ano ang natutunan niya sa nangyari?

“Lesson? Marijuana? Huwag yan. Si Duterte, nakikinig,” sagot ni Kit na dinaan na lang sa biro at tawa.

“Pero oo naman. Oo naman,” dagdag niya kung meron siyang natutunan sa pinagdaanan noon. Pero hangga’t maaari raw ay ayaw na sana niyang pag-usapan pa ito.

Eh, bakit ba niya nagawa yon noon?

“Parang you’re just feeling free, I guess. Siyempre, bata pa, eh. Growing up, learning from your mistakes,” pag-amin niya sa PUSH.

Showing na sa August 29 ang The Hows of Us.