• Home
  • Fresh Scoops
  • VIRAL: Kim Chiu, pinalipat ng upuan ng isang moviegoer sa premiere ng “Miss Granny”

VIRAL: Kim Chiu, pinalipat ng upuan ng isang moviegoer sa premiere ng “Miss Granny”

Present ang aktres para suportahan ang kanyang rumored boyfriend na si Xian Lim.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/22/2018 7:20 PM
VIRAL: Kim Chiu, pinalipat ng upuan ng isang moviegoer sa premiere ng “Miss Granny”


 

Present si Kim Chiu sa premiere night ng pelikulang “Miss Granny” kung saan isa sa mga bida ay ang kanyang dating onscreen partner at rumored boyfriend na si Xian Lim. 

Pero hindi lamang ang presensya ni Kim, na full support kay Xian, ang pinaguusapan ngayon sa social media dahil may viral na video na kumakalat ngayon mula sa isang insidente sa screening. 

Makikitang nakaupo na si Kim sa sinehan nang may lumapit na babae sa kanya at tila nagulat naman ang aktres.

Bagamat hindi marinig ang kanilang pinag-usapan, sa description ng nasabing video ay sinabing pinalilipat si Kim ng upuan dahil ang inuupuan daw niya ay para doon sa babaeng lumapit.

Tinignan naman ni Kim si Xian sa mga panahong iyon pero ayon sa description sa video, lumipat naman ng upuan si Kim at kanyang mga kasama ngunit di na ito nai-record pa.