Sarah Geronimo excited na sa ‘Miss Granny’

Sinigurado din ni Sarah Geronimo na may mapupulot na aral sa ‘Miss Granny’.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/22/2018 11:37 AM
Sarah Geronimo excited na sa ‘Miss Granny’


 

Present ang cast ng inaabangan na Miss Granny movie na sina Xian Lim, Sarah Geronimo, at James Reid sa naganap na red carpet premiere sa Megamall at Trinoma.

Kuwento ni Sarah sa press, magkhalong kaba at excitement ang kanyang naramdaman para sa kanilang proyekto na first time din niya mapapanuod.

 

“Yes first time ko na mapapanuod ng buo,” ani Sarah.

“Ninenerbiyos na pero excited at the same time. Kasi yung pinagpaguran ng buong team, ng cast finally makikita na natin,” sabi pa niya.

 

Kuwento pa ni Sarah, hindi nila akalain na nagtapos na agad ang shooting ng pelikula dahil sa masayang set na mayroon sila.

“While filming, talagang nag-enjoy lang kami. Wala lang parang naglaro lang kami e, pero siyempre may hard work yun,” saad pa ng singer actress.

Sinigurado din ni Sarah ang magandang aral na mapupulot sa kanilang pelikula.

“We’re very confident na talagang napakaganda ng istorya ng pelikulang ito. Dedicated ito para sa lahat na grandparents po natin, especially to our grandmothers na huwag natin kakalimutan kahit na matatanda na sila. Mayroon na tayong sariling buhay, huwag natin sila kakalimutan,” pahayag pa ni Sarah.

August 22, magsisismulang mapanuod ang Miss Granny sa direksyon ni Direk Joyce Bernal.