• Home
  • Fresh Scoops
  • Marlo Mortel humihingi ng panalangin para sa lumalalang kondisyon ng Ina

Marlo Mortel humihingi ng panalangin para sa lumalalang kondisyon ng Ina

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/22/2018 11:02 AM
Marlo Mortel humihingi ng panalangin para sa lumalalang kondisyon ng Ina


 

Karagdagang panalangin ang hiling ng singer TV-host na si Marlo Mortel para sa kanyang ina na may sakit na cancer.

 

“PLEASE PRAY FOR MY MOM. WE’RE LOSING HER NOW. LORD PLEASE DON’T TAKE HER AWAY FROM US. PLEASE LORD WORK YOUR MIRACLE ON MY MOM I KNOW SHE CAN SURVIVE THIS![sic]” sabi ni Marlo sa kanyang tweet nitong Miyerkules ng umaga.

Sa huling panayam ng Push kay Marlo, ibinahagi nito ang estado ng kanyang ina na aniya ay ’medyo malala na yung nangyayari.'

2015 nang ibinahagi ni Marlo sa publiko na may matinding karamdaman ang ina. At nitong early 2018 ay nagkaroon pa ng benefit concert si Marlo para makalikom ng pondo at matustusan ang pagpapagamot sa kanyang nanay.

Read: Marlo Mortel on his mom's battle with cancer: ‘Medyo malala na iyong nangyayari’