• Home
  • Fresh Scoops
  • James Reid and Xian Lim: ‘Sobrang saya katrabaho ni Sarah G’

James Reid and Xian Lim: ‘Sobrang saya katrabaho ni Sarah G’

Ikinuwento ng mga aktor kung pano maka-trabaho si Sarah Geronimo.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/23/2018 7:57 AM
James Reid and Xian Lim: ‘Sobrang saya katrabaho ni Sarah G’


 

Sa muling pagbisita nina James Reid and Xian Lim sa Tonight with Boy Abunda, kanilang ibinahagi ang mga natuklasan nila tungkol kay ‘Popstar Royalty’ Sarah Geronimo habang ginagawa nila ang pelikulang Miss Granny.

Kuwento ni James, “Besides the fact that she’s (Sarah) an amazing character actor, her quirks are really perfect for the role. She has a really funny laugh.” Sumang-ayon dito si Xian, at siya naman ang nag-kuwento ng kanyang impression sa singer-actress. “I really thought she was quiet, nung una iniisip ko, paano kaya ako makikipag-usap sa kanya kasi baguhan pa lang ako when I got on the set? It turns out na si Sarah pala e maraming baon na kuwento. There was one time we had to share a dressing room, at nung una napakatahimik namin, parang walang nagsasalita. Then, I started talking to her and it got her going, ang dami pala nyang kuwento, nakakatuwa.”

Nang tinanong ng King of Talk Boy Abunda ang dalawa kung “fun to work with” si Sarah, “sobra” ang sagot ni Xian at sumang-ayon naman si James. Idinagdag din ni James na, “The set was always fun because of Direk Joyce (Bernal), Xian and (Sarah), plus it’s a funny movie too.”