EXCLUSIVE: Ogie Alcasid, naghahanda para sa isang musical

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/22/2018 9:36 AM
EXCLUSIVE: Ogie Alcasid, naghahanda para sa isang musical


 

Excited na ikinuwento sa PUSH ni Ogie Alcasid na he is now working on a musical kasama si Johnny Manahan at Enrico Santos ng ABS-CBN.

“Kami ni Mr. M, we’ve been meeting, siguro anim na beses na. I basically wrote the story and he improved on it. Then sinama na niya sa Enrico (Santos). It’s about a middle-aged songwriter na laos na,” simulang kuwento ni Ogie.

Baka raw next year pa ito maipalabas dahil gusto nila itong pagandahin talaga.

“Hopefully, baka next year matapos na namin. Kasi ang musical it takes three years average, gusto naman naming pagandahin,” sey pa ng singer-actor.

Bakit ba siya nagkainteres na sulatin ang musical na siya rin mismo ang magbibida?

Aniya, “Kasi yan naman ang fear ng lahat ng mga singer, ang malaos. Ang mga kanta kasi pana-panahon yan, eh. Aminin na natin yung songs ko ngayon, hindi na siya pakikinggan ng mga millennials, maybe some.

“May movie ako noon na hindi kumita, yung I Do Bidoo Bidoo. May karakter kasi ako doon na nagtuturo na lang ng gitara tapos kumikita na lang ako sa mga royalty ko. Yon yung isa sa naging peg ng istorya ko.”

Aminado rin si Ogie na marami siyang mga maling desisyon na ginawa sa buhay noon tulad sa mga pinasok na businesses, pero ina-acknowledge daw niya ang kahit anong failure na dumarating sa kanya.

“It’s so important for you to acknowledge failure and for you to recognize it as a failure because it’s not… Hindi mo puwedeng dedmahin yon kasi pumalpak ka don, hindi siya nag-work. And it’s an indicator of, ‘Okay, I’ll not go there,’” rason pa niya.

“But that won’t stop me from trying other thing. Like itong pagpo-produce ng films sa Cinemalaya (Kuya Wes), dati pangarap lang yon, eh.

“Nung naging close ako kay Daboy (Rudy Fernandez) at nung nakikita ko sina Bossing (Vic Sotto), sabi ko, ‘Ang sarap naman nila, nagpo-produce sila ng sarili nilang movie.’

“I wonder if one day I can and then one day here comes an opportunity, and it wasn’t dahil kasi walang magpo-produce. And then, inalok sa akin ni Piolo (Pascual), ‘sige, magko-prod tayo,’ so there, parang fell into place lang,” dagdag niyang kuwento.

Eh, ang politics, kinonsider ba niyang pasukin?

“That’s a no-no for me. Madumi siya. Ayaw ni Regine (Velasquez). Di ba, alam mo yung araw-araw ka na lang nasa dyaryo, maganda naman yung ginagawa ng iba pero titirahin ka pa rin. Parang kawawa naman yung mga anak ko, eh, hindi ko kaya yon.

“Gusto nila akong patakbuhing congressman, senador. Hindi naman ako nag-aral ng… ang alam ko lang masscom,” sabay tawa ni Ogie.

Catch Ogie in his upcoming concert titled OA: Ogie Alcasid 30th Anniversary Concert. Gaganapin ito sa Araneta Coliseum sa Biyernes, August 24, 8 pm.