Bagong "Shan Cai" at "F4" nais bumisita sa Pilipinas

Excited ang mga bida ng bagong Meteor Garden na makilala ang kanilang Filipino fans.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/22/2018 2:31 PM
Bagong


 

Malaking bahagi ng pop culture sa Pilipinas ang nai-ambag ng original Meteor Garden series na napanuod sa ABS-CBN 15 years ago. Mainit itong tinangkilik ng audience at nagtala ng mataas na ratings.

Kaya ngayon na nagsimula na mapanuod ang 2018 version ng Meteor Garden sa Pilipinas, excited ang mga bagong lead stars nito na personal na makilala ang kanilang Pinoy followers.

“If I have the opportunity i want go go to the Philippines,” sabi ni Dylan Wang sa panayam natin sa kanila.

Sina Caesar Wu at Connor Leung, may mga kaibigan na nakapagbakasyon na sa Pilipinas kaya’t may mga idea na sila sa magagandang tourist destination dito.

“The Philippines is an attractive place for me, I hope to meet many Filipino people and enjoy the delicious food there and also learn something about Philippine custom so I’m really happy to go there,” sabi ni Caesar.

“I also look forward to go to the Philippines as many friends who have been to the Philippines says that it is a really good place to visit and travel. It's worth my time to be there,” dagdag ni Connor.

Para naman kay Darren Chen ang mainit na pagsuporta naman ng Pinoy fans ang gusto niyang maranasan.

“I find it best to go to the Philippines and see our fans. Because I found out that our fans are really crazy about this TV series, even though it hasn’t been shown on TV yet. I’m very honored to get the attention of our Asian fans, I’m  very excited to meet with them and tell them about this TV series,” paliwanag niya.

Si Shen Yue naman di pa man personal na nakikilala ang fans sa Pilipinas, nag pa-una na agad ng kanyang papasalamat.

“First of all, I want to thank the Filipino fans for all the attention in this TV series and the video is meaningful. Because we cooperated with the original artist of the original Meteor Garden and Angie is also very very moved by this,”  pahayag pa ni Shen Yue.

Mas exciting at kilig na mga eksena pa ang paparating sa 2018 Meteor Garden na napapanuod araw-araw sa Kapamilya network bago  ang TV Patrol.